EXCITED NA IN-ANNOUNCE ni Laguna Gov. ER Ejercito na kinukuha nila ang serbisyo ng Superstar na si Nora Aunor upang makasama sa pelikulang El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story kunsaan siya ang gaganap na Aguinaldo.
“We’re also getting Nora Aunor. Pumayag na po siya to play the second wife of Emilio Aguinaldo.”
Ikinagulat ng mga reporter ang anunsiyong ito ni Gov. ER tungkol sa pagbabalik-bansa ni Nora upang gawin ng aktres ang pelikula.
“Immediately, after we finish the film production of Kingpin, magpapagupit na po ako, magpapa-chato.
“Then, papadalhan na po namin ng plane ticket si Nora, itse-check in namin sa isang hotel na malapit sa Aguinaldo Shrine…
“Coz all of her scenes will be shot in Aguinaldo Shrine eh. We will be shooting with Nora nang one week. The scenes will be with me and Nora and ‘yung secretary ni Aguinaldo, and hopefully nga with Quintin Tarantino.
“One week po kaming magshu-shooting. Tatapusin po namin ang mga eksena, ‘yung iinterbiyuhin ni Tarantino si Aguinaldo, kasama si Nora. Siya ang second wife eh.
“Nora Aunor will be playing Maria Agoncillo, who’s from Batangas.
“Kaya sana po ay maging maayos ang aming pagsu-shooting, at walang maging problema sa ating National Artist na si Ms. Nora Aunor, na best friend ni Pangulong Estrada,” tawa nito.
Kailan darating si Nora at magsu-shooting ng El Presidente?
“Well, in one week to go (sa shooting ng Kingpin), papahingahin ko lang ang ating mga artista, at ang (production) unit.”
Wala pang confirmed na date ang pagbabalik ni Nora upang mag-shooting ng pelikula kasama siya?
“Ini-schedule po namin ang kanyang pagdating,” sagot ni Gov. ER. “Nag-i-email na po ang aming grupo sa grupo ni Nora. This year po ‘yun.
“We have to finish the one week shooting. We have to finish all our scenes.
“Kasi, matanda na kami sa eksena namin dito eh. Ako (as Emilio Aguinaldo) ay mga 90 years old in a wheel chair, and si Nora ay mga 70 years old, so lalagyan kami ng prosthetics.
“Sasagutin po naming lahat ng expenses niya. Nasa kontrata po. ‘Yung kanyang titirhan, board and lodging, food, everything…”
So, confirmed na ba talaga ang balitang ito?
“Opo,” mabilis niyang tugon.
“Naghihintay na po si Nora. Lahat kami ay exci-ted. Suzette Ranillo is behind it. She’s a good friend of my wife. “
Ano’ng pakiramdam niya na siya ang film producer na makakapag-balik-Pilipinas kay Ate Guy, upang gumawa ng pelikula?
“Magaling… Mahal pa rin niya si Erap!” malakas nitong tawa.
“Natutuwa ako kasi, isang kara-ngalang makatrabaho ang isang National Artist,” aniya.
Tanong namin, bakit niya natawag na “National Artist” si Nora, samantalang hindi pa naman ito officially declared ng pamahalaan for the longest time?
“Hindi ba, may award siya, National Artist yata?”
“Hindi pa po,” paglilinaw namin kay Gov.
“Ah, hindi pa ba… Eh ‘di, malapit na! Hehehe… Feeling ko kasi, she’s a National Artist. “
Bakit niya nasabi ’yon?
“Eh, icon na ‘yan eh, pagdating sa film industry. She’s an icon. So, I call her National Artist.”
Wala ba silang pagkakataong magkasama sa isang pro-ject noon?
“Wala pa… Si Erap (meron)… At mahal niya si Erap kaya niya tinanggap ang Aguinaldo (project)!” tumatawang biro nito.
Seriously, sa palagay ba niya ay may kinalaman si Pangulong Erap sa desisyon ni Nora na tanggapin ang offer niya at magbalik-bansa sa malapit na hinaharap?
“Maaari… Siguro ano… I don’t know, mahirap magsalita eh!” makahulugan nitong sagot.
Ano’ng pakiramdam niyang muli na siya ang makakapagbalik kay Nora sakaling matuloy nga?
“Well, isang malaking karangalan dahil after what happened between her and President Erap… Well, maybe, I can patch up things.
“Dahil napatawad na ni Pangulong Erap si Chavit Singson, at marami pang iba. Maybe, I can patch up things between him and Nora.
“Basta ang target namin, hopefully, August or September. Kasi, ang mga kontrata pa eh, mahaba ang proseso,” pahayag ni Gov. ER.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro