NITONG MIYERKULES, March 11, pormal nang inihayag ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro ang mga nanalo para sa kaanilang 17th Pasado Awards.
Nakaiintriga ang list ng kanilang winners. Halos lahat kasi ng mga major categories ay may double at triple winners. At sa kauna-unahang pagkakataon, sa kasaysayan ng mga award-giving body ay may nanalong awardee na ka-tie ang kanyang sarili. At ito ay si Nora Aunor para sa mga pelikulang Hustisya at Dementia.
Paliwanag ng Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Lupong Tagapag-Ingat nito na sina Dr. Emmanuel Gonzales at Professor Arthur Pizarro, ang resulta ng kanilang winners ay nakadepende sa number of votes na nakukuha ng mga nominado. At kapag may mga nominadong nakakuha ng parehong bilang ng boto, idinideklara nila itong pawang mga nanalo sa kung anumang kategorya sila nominated.
Si Nora raw ay nakakuha ng pinakamarami at same number of votes para sa pelikulang Hustisya at Dementia. Pero ilang points lang daw ang inilamang nito sa pinakamahigpit na nakalabang sina Aiko Melendez para sa pelikulang Asintado, at Angelica Panganiban ng That Thing Called Tadhana.
Wala raw sa rule nila ang mag-break ng tie. Ang lahat ng resulta ay ibinabase nga raw nila sa lumabas na dami ng boto o number games kung kanilang tawagin.
NARITO ANG kumpletong listahan ng mga nanalong pararangalan sa GAWAD PASADO Awards:
PinakaPASADOng Pelikula: Magkakabaung (ATD Entertainment Production); Dementia (Ideal First Company, Octobertrain Films, and TV 5); Alienasyon (Voyagestudios, Skyweaver Productions, and Talent Factory)
PinakaPASADOng Direktor: Jason Paul Laxamana (Magkakabaung); Peri Intalan-Lana (Dementia); Arnel Mardoquio (Alienasyon)
PinakaPASADOng Aktres: Nora Aunor (Hustisya); Nora Aunor (Dementia)
PinakaPASADOng Aktor: Allen Dizon (Magkakabaung); John Lloyd Cruz (The Trial); JM de Guzman (That Thing Called Tadhana)
PinakaPASADONG Katuwang Na Aktres: Gretchen Barretto (The Trial); Iza Calzado (Starting All Over Again); Lotlot de Leon (Kubot: The Aswang Chronicles 2)
PinakaPASADOng Katuwang Na Aktor: Richard Gomez (The Trial)
PinakaPASADOng Istorya: Ricky Lee (Hustisya); Jason Paul Laxamana at Ferdinand Lapud (Magkakabaung)
PinakaPASADOng Disenyong Pamproduksyon: Ron Factolorin (Alienasyon)
PinakaPASADOng Tunog: Addie Tabong (Dementia)
PinakaPASADOng Musika: Cesar Francis Concio (Starting Over Again)
PinakaPASADOng Editing: Carlo Manatad (The Trial); Vanessa de Leon (Hustisya)
PinakaPASADOng Dulang Pampelikula: Jason Paul Laxamana (Magkakabaung); Antoinette Jadaone (That Thing Called Tadhana)
PinakaPASADOng Sinematograpiya: Mackie Galvez (Dementia); Rain Yamson II (Magkakabaung)
SA MGA Natatanging Gawad PASADO), ang mga nanalo naman ay sina:
Ryan Cayabyab (PASADO Lifetime Achievement)
James Bimby Aquino Yap (PinakaPASADONG Huwarang Bata Sa Larangan Ng Edukasyon At Sining)
Miguel Cuaderno (PinakaPASADOng Likhang Bata o Child Performer)
Gerald Santos and Janella Salvador (PinakaPASADOng Dangal Ng Kabataan)
Magkakabaung and Dementia (PinakaPASADOng Pelikula Sa Paggamit Ng Wika)
Atty. Persida Acosta (PinakaPASADOng Lingkod Bayan)
Jessica Soho and Atom Araullo (PinakaPASADOng Mamamahayag Sa Larangan Ng Kamalayang Pilipino)
Nestor Cuartero (PinakaPASADOng Guro Sa Larangan Ng Kamalayang Pilipino)
ANG PASADO Awards night ay gaganapin sa April 11 ng gabi, sa auditorium ng San Sebastian College – Manila na siyang host school para sa taon na ito.
Ang nasabing awards night ay ay taunang itinataguyod ng samahan ng mga dalubhasang guro sa buong Pilipinas na may mahigit isang daang miyembro.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan