BUMUBULA ANG bibig ng Noranians sa hindi paghirang sa idol nilang si Nora Aunor sa bagong listahan ng mga National Artist na ipinahayag ni President Noynoy Aquino kamakailan.
Ilang taon na bang nilalako ng mga hardcore Noranian na mapasama sa listahan ng National Artists ng bansa ang idol nila na sabi ng kampo nila, ‘di hamak na mas may karapatan si Nora kaysa sa ibang mga artista na maging National Artist.
“Not even Vilma Santos ay may K na ma-nominate. Ano ba naman ang body of works ni Vilma kumpara sa mga nagawa na ni Nora sa kanyang career? It’s unfair. Si Fernando Poe, Jr., ano ba naman ang kontribusyon niya sa industriya ng pelikulang Pilipino? Oo nga’t Hari siya ng Pelikulang Pilipino, pero sino siya? Hindi nga siya kilala sa Cannes or ibang mga bansa kung saan ang pangalan ni Ate Guy ay bukambibig ng film critics,” himutok ng isang kakilala namin na member ng ICON; isang international group of Noranians na kasama sa paglulunsad ng Nora Aunor for National Artist Movement.
Ngayon na nalaglag si Guy, ngiting aso marahil ang pakiwari ng Vilmanians na mortal na katunggali ng aktres kahit noon pa man na buhay na buhay ang rivalry ng dalawa.
Ayon sa isa sa convenor ng kilusan, para mahirang si Nora as National Artist, pasok na sa pamantayan ng mga taga-CCP at NCCA si Nora. Aprroval at pirma na lang ni PNoy ang kailagan pero nalaglag pa rin ang aktres.
Ang problema naman kasi sa ibang Noranians, masyadong maingay. Wala pa man, nag-aapura na mahirang agad-agad ang idol nila.
Pero ang balita ko from a very reliable source, ang pagiging convicted drug user ni Nora, kung saan nahulihan siya sa airport ilang taon na ang nakararaan ang nakahadlang sa pagkumpirma ni PNoy para maging National Artist ang aktres.
Tuloy, maiiwasan mo ba na mag-comment ang isang hardcore Noranian na noong MMFF 2012: “Mas pinag-aksayahan ng Presidente ng Pilipinas na panoorin ang basurang pelikula ng kapatid niya na Sisterakas kaysa sa isang acclaimed film ni Nora like Thy Womb na pinalakpakan at pinuri sa ibang bansa.”
“Never naman na-appreciate ni PNoy ang art or even films na matitino. Ang trip ng president mo, maglaro ng DOTA at mga pelikula tulad ng mga pelikula ng sisteret niya na waley rin naman.”
Reyted K
By RK VillaCorta