SA TOTOO lang, ‘di ko alam kung ano ang priority ni Nora Aunor na sa edad niya na pang “senior citizen card” na, tila pinababayan niya ang kanyang kalusugan.
Ang alam ko, matagal nang naka-schedule ang kanyang throat operation sa Boston, Massachusetts sa USA, kung saan maraming mga kaibigan ng aktres ang sumuporta sa kanya at nagbigay tulong pinansiyal.
Dapat naka-schedule siyang umalis this July 7 patungong Amerika para sa kanyang July 10 operation, pero mas ginusto ni Nora na gumawa na muna ng pelikula. Kamakailan ay pumirma siya ng almost more than a million-peso deal ayon sa iang insider na bumulong sa amin.
Between her health at sa pera na kanyang kikitain, mas pinili niya ang milyones (na alam naman natin na mas matindi niyang kailangan) kaysa magpa-opera para matapos na ang pinu-problema niya sa kanyang lalamunan na paulit-ulit niyang sinasabi na parang sirang plaka na gusto niya muling makakanta, pero from her end, waley naman siyang effort.
Bulong ng isang mapagkakatiwalaang source, wala na naman daw pera si Nora. Ang mga cash donations sa kanyang pagpapa-opera ay naubos na naman niya kaya mas minabuti niya na gumawa na lang muna ng isa pang pelikula na magbibigay muli sa kanya ng “bakal” na acting trophy na kapag waley at sagad na siya, puwede niyang ibenta sa mga nangangalakal ng por kilo.
Nakatatawa nga dahil kumalat ang bali-balita na ang mga acting trophies niya na nakulekta sa pagiging aktres, nagkalat sa kanyang mga diehard and loyal fans na kung may “K” ka, puwedeng mapasaiyo ang isa sa mga trophy niya, pero babawiin din niya. In short, kolateral diumano ang mga ito sa mga CA ng aktres.
Last Wednesday evening, dumalo si Nora sa opening ng French Film Festival kung saan ang pelikula niyang Taklub ay nagkaroon ng Philippine Premiere.
Ang daming indie films ni Nora ang hindi pa naipalalabas at nagagawa. Naririyan ang pelikula nila ni Coco Martin kung saan nakadalo pa ako sa pocket press interview almost two years ago.
Kung acting ang pag-uusapan, nakauuyam na. Alam na ng buong mundo ang galing ni Guy sa pag-arte kaya ang acting award para sa aktres ay hindi na bago.
Ewan ko kung may realization na siya na sa pagkakataong ito, kumita naman ang pelikula na ginagawa niya para happy ang mamumuhunan sa kanya.
Reyted K
By RK VillaCorta