IBA PA rin ang hatak ng isang Nora Aunor. Sa mga kapwa niya mga artista, iginagalang pa rin siya sa kabila ng ilang mga sablay sa kanyang personal na buhay. Sabi nga, Nora Aunor is Nora Aunor.
Waley man datung at nauwi sa wala ang kanyang yaman, hindi pa rin matitinag si Guy sa estado niya. ‘Yun nga lang, kahit sandamakmak man ang mga nakukuha niyang mga acting awards, parang hangin na dumadampi lang sa pisngi na waley namang positive result (we need a more commercial film na kikita sa box-office). Kumbaga, poste na lang si Nora aminin man ng mga tao na nakapaligid sa kanya. Poste na ewan kung hanggang kalian makatatayo at magtatagal sa showbiz.
Ang labanan naman kasi, pelikula na kumikita. Sandamakmak man ang indie films mo at sanlaksa man ang mga tropeo mo, proven na at alam na ‘yan sa buong mundo na magaling siyang artista.
Ang mga fans naman niya waley rin. Ningas kugon lang na titili at magbubunyi at ipagsisigawan ang pangalan niya during awards night to show their support. Pero pagdating sa box-office result, waley at ‘di naman pumipila sa takilya para bumili ng ticket.
Kung ako ang producer, I will not invest sa isang Nora Aunor. Itataya ko na lang sa “jueteng” at malaki pa ang chance na manalo ako kahit sampung piso.
Pero sa usaping respeto ng mga kapwa niya artista, kahit ano man si Nora ngayon, hindi pa rin nawawala ang bagay na ito sa kanya.
Sa backstage ng Solaire Theater, ang hindi alam ng nasa harapan ng entablado at nanonood ng 31st PMPC Star Awards for Movies last Sunday, isa-isang lumapit sa kanya ang mga nakababatang mga artista at nagbigay-galang.
Nagpakilala si Iñigo Pascual sa Superstar. Maging si Gretchen Barretto ay lumapit sa kinauupunan ni Nora at nagpakilala: “Hi, Ate Guy. Ako po si Gretchen Barretto,” at bumeso at nagpa-picture.
Si Piolo Pascual na nanalo as Best Actor na ka-tie si John Lloyd Cruz, lumapit din kay Nora at nagpakilala.
Maging si Sylvia Sanchez na ang sabi sa superstar: “Ate Guy, idol ko po kayo, tulad ng nanay ko na isang Noranian, hangang-hanga ako sa inyo dahil pati likod mo umaarte,” overheard Sylvia sa binitiwang linya sa Superstar.
Sa katunayan, sina Guy, Papa P. at Ibyang nagpa-picture pa.
Nakatutuwang isipin, si Nora sa kabila ng mga nangyari sa career niya (she won Best Actress for Dementia that evening) ay mataas pa rin ang respeto at pagalang ng kapwa niya artista sa kanya.
Reyted K
By RK VillaCorta