Sa isang gathering kamakailan, nakausap namin ang isa sa media coordinators ng sektang Ang Dating Daan na pinamumunuan ni Mr. Eli Soriano na until now ay nasa ibang bansa pa rin. Ewan kung bakit hindi pa rin ito makabalik ng ‘Pinas. Totoo ba ang dahilan kung bakit nag-self-exile ito sa ibang bansa?
Lininaw ng kaibigang si Asjes Pacopia Carreo II na hindi nagpalit ng religion ang aktres na si Nora Aunor tulad sa naunan naming isinulat.
“Hindi siya sumali sa Ang Dating Daan. Bumisita lang siya sa amin sa Apalit (Pampanga) sa isang event namin recently,” paglilinaw niya sa amin.
Nandu’n lang si Nora para dumalaw, para magkausap sila ni Daniel Razon (dating music DJ sa DWST FM na nakasama naming, kung saan isa kami sa mga Showbiz Tsismis (ST) reporter ng station).
Tawag ng mga Ang Dating Daan members sa dating kasamahan namin na si Daniel sa naturang istasyon na pag-aari ng mga Elizalde ay “Kuya Daniel”, kung saan ang classic line niya na “Kahit Isang Araw” pertaining to everyone to give back to the public ng kanilang serbisyo, kahit isang araw lang, the world will be a better place to live, ‘ika na.
Ngayon on its fourth installment ng movie na ginagawa ng sekta para sa edukasyon marahil ng members, ang aktres na si Nora Aunor ang siya magiging bida na si “Kuya Daniel” mismo ang magdi-direk.
Kung tama ang kuwento na nakarating sa amin, Nora will portray the role of a policewoman, na ang kuwento ay may haging sa usaping droga. At kung tama ang information na nasagap naming, si Mr. Eli Soriano, ang pinuno ng sekta, will be part of the film. Kung saan man siya ngayon naka-base ay pupuntahan siya ng production at maging ni Nora para makaeksena.
Yes, Nora is doing the film and it’s not for free. In short, may talent fee si Guy, na balita naming, sa TF pa lang ng aktres, milyones na ang bayad sa kanya para tanggapin niya ang trababo.
Ang mga pelikula na ginagawa ng sekta ay ipinalalabas lang sa mga pagtitipon ng Ang Dating Daan at hindi for commercial screening.
Reyted K
By RK VillaCorta