TINALO NG 13 year-old high school student at first-time actress na si Teri Malvar na nahirang na Best Actress sa kakatapos lang na CineFilipino Film Festival Awards Night para sa pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na bida sa pelikulang Ang Kuwento Ni Mabuti .
Talo rin sa kategoryang ito ang mahusay na komedyanang si Tuesday Vargas (Ang Turkey ay Pabo Rin), Mocha Uson (Mga Ala-ala ng Tag-Ulan), Janelle Jamer at Kitchie Nadal (Muses), at Maxine Eigenmann, Charee Pineda at Eula Valdes (Bingoleras).
Papel ng isang papasibol pa lang na batang tomboy na nagkakaroon na ng crush kay Angel Aquino ang role na ginampanan ni Teri sa pelikula.
Sa kuwento ni Teri nu’ng makatsikahan namin siya after ng awarding, sinamahan lang daw niya ang kanyang ina na mag-audition para sa movie.
Ang ilan pa sa nagwagi ay sina Karl Medina (Best Actor) para sa pelikulang The Guerilla Is A Poet; Angel Aquino (Best Supporting Actress – Ang Huling Cha-Cha ni Anita); Bong Cabrera (Best Supporting Actor – The Guerilla Is A Poet); at Ang Huling Cha Cha ni Anita (Best Acting Ensemble).
Habang Best Director at Best Screenplay si Mes De Guzman (Ang Kuwento ni Mabuti). Winner din ito ng Best Picture na may premyong P500,000. Katuwang niya sa award ang Ang Huling Cha-Cha ni Anita na tumanggap din ng P500,000.
NAPAGKAMALANG THAILAND Star ang Kapuso Tween Star na si Teejay Marquez nang first time nitong mag-show sa Davao bilang Teen Ambassador ng Youthlead Philippines, na ayon kay Nick ay isang Youth Development Organization on transformational leadership na ginanap sa Ritz Hotel.
“It’s mission is to educate Filipino young leaders on transformational leadership and make them active partners in the pursuit of a socially-transformed Philippines,” ayon pa kay Nick.
Ka-join kami sa nasabing show ni Teejay na dinaluhan ng almost 500 youth leaders/ students sa buong Pilipinas. ‘Di nga namin malilimutan nang may ilang kabataan doon ang nagtanong kung Thailand star daw ba si Teejay dahil nga ang Youthlead Philippines ay laganap sa buong mundo at representative si Teejay ng Thailand para mag-perform.
Dito namin sinabing isang Kapuso Tween Star si Teejay na unang nakilala sa Tween Hearts at napasama sa mga shows na Time of My life, Home Sweet Home at ang katatapos na Anna Karenina. Very honest naman at may pagpapaumanhin ang mga kabataang aming nakausap na ABS-CBN shows daw kasi ang pinapanood nila sa Mindanao, kung saan sila naninirahan.
Present din sa nasabing event ang mga tagahanga ni Teejay, ang Teejaynatics Davao Chapter na mula Airport hanggang hotel, hanggang show at pag-uwi namin sa Manila ay naroroon.
MAGKAHALONG KABA at excitement daw ang nararamdaman ng mahusay na GMA Tween Star na si Kristoffer Martin sa pagbibida sa Kahit Nasaan Ka Man, katuwang si Julie Anne San Jose.
Hindi kasi maiwasang maikumpara ang tambalan nila ni Julie Anne sa tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na naging ka-loveteam nito sa Endless Love, Autumn In My Heart nu’ng nasa bakuran pa ng GMA si Kathryn.
“Siyempre, may pressure talaga sa amin ni Julie Anne, lalo na nga’t we’re up against the more established love team sa kabila (Kathryn-Daniel).
“Kaya nga panay ang dasal ko na sana, suportahan kami ng viewers at mag-rate ang unang pagtatambal naming ito.”
Sa seryeng ito raw ipamamalas ni Kristoffer ang kanyang talento sa pagkanta, kaya naman daw muling babalikan sa pamamagitan ng Kahit Nasaan Ka Man ang kanyang hilig sa pagkanta.
Kasama rin nina Kristoffer at Julie Anne sa serye sina Rita Avila, Eula Valdes, Yayo Aguila at Tessie Tomas, mula sa direksiyon ni Gil Tejada, Jr.
John’s Point
by John Fontanilla