OLACHIKKA. MARAMI NA naman ang naglabasang mga negative about sa superstar ng bansa na si Nora Aunor. Kesyo wala raw itong ginawa sa buhay kundi ilugmok ang sarili sa kahihiyan. Naku, ha!
Isa lamang ‘yan sa ilang mga balita na ihinampas sa superstar ng bansa. Mula noon hanggang ngayon, sa aking pagkakilala kay Guy, hindi naman siguro hahayaan ng isang Nora Aunor na ilugmok ang sarili sa kahihiyan dahil kahit papano ay may isip ito. Hindi kagaya ng iba d’yan, huh! Kung anu-ano na lang kasi ang ibinabatikos sa kanya. Kesyo nalulong na naman ito sa droga at hindi raw ginamit ang mga nalikom nitong pera at ipinamigay para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Ginamit raw ito ni Guy sa pagka-casino, huh! Nakakaloka, ha!
Noong nabalitaan at lumabas sa lahat ang balita regarding sa bagyong Ondoy ay tila isang pindot lang ng remote control sa telebisyon ay nabalitaan na agad ito sa mga Pilipinong nasa abroad lalo na yung may mga TFC. Kaya ang lahat ng kaibigan ni Guy at pati na rin ang superstar ay gumawa ng paraan upang kahit papano ay makatulong sa mga nasalanta.
Muling naghimala ang superstar sa Amerika. Sa bawat show nito sa States ay may mga donation box para sa mga nasalanta sa bagyong Ondoy at hindi naman ito binigo ng ating mga kababayan at nakahanda ring tumulong sa mga kapwa Pilipinong sinalanta. May maliit na na donation box at iniikot ito sa lahat ng audience. May nagbigay ng 10 to 100 dollars. Ang nakakaloka, ang resulta raw umano, after the show ay makikita raw ang superstar sa casino. Nilulustay diumano ang mga pinanghihingi na donation at matagal na raw itong ginagawa ng superstar.
Lingid sa kaalaman ng lahat ay hindi ito totoo, na nilulustay ng superstar ang ang mga donation dahil sa kabila ng lahat, maraming natutulungan si Nora lalo na sa kanyang mga kababayan sa Bikol na laging sinasalanta ng bagyo.
Kahit nasa Amerika si Nora ay hindi niya nakalimutan ang kanyang bayan kung saan siya nanggaling.Kaya sa lahat ng mga naglabasang negative about kay Guy ay tila walang katotohanan dahil naka-usap ko mismo ang kanyang matalik na kaibigan dito sa bansa na ayaw ng ipabanggit ang pangalan. ‘Yun na!
WALANG HALONG PULITIKA, napadpad sa aming barangay ang kontrobersyal na actress lalo na sa pagdating sa pag-ibig na si Aiko Melendez. Tila sobrang busy ito pero kahit busy ang actress ay nabigyan pa rin niya ako ng pagkakataon na makatsikahan. Sabi ni Aiko,”Twin sister, walang pulitika ito kundi buong puso ko po itong ginagawa na magbigay ng mga yero at relief goods sa mga taga-Brgy. Bagbag na isa rin sa hinagupit ni Ondoy.” Abot tenga ang ngiti ni Aiko sa pagbigay ng mga pagkain at mga yero na ibinabahagi niya sa lahat ng mga taga-Brgy.Bagbag dahil bukod sa very successful ang kanyang movie with Ogie Alcasid at Michael V. kasama ang dating asawa na si Jomari Yllana na Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie ay tila pasasalamat na rin niya ito sa lahat. Nagbigay siya nang kusa mula sa bulsa niya para makatulong sa Brgy. Bagbag kung saan taga-roon din ang beauty ko. Bonggacious, ‘di ba?
MARAMI ANG NAKALAMPAG na tulong si Kris Aquino lalo na sa kanyang mga endorsement na halos lahat ay walang palya at nagbigay lahat ng kanyang mga iniendorso. Isa rin si Kris sa mga artista na pumunta sa mga sinalanta ng bagyong Ondoy at nagbigay ng kanyang tulong at walang halong pulitika at personal na tulong ito ng magaling na TV host-actress. Sa kanyang pananawagan sa kapamilya ng ABS-CBN ay kinalampag niya ang lahat at hindi tumigil hangga’t hindi nakakukuha ng mga donation sa kanyang lahat na iniendorso. Pati ang ilang mga artista ay kinalampag din niya lalo na rin ‘yung may mga iniendorso rin.
Nakalikom si Kris ng 30 milyon kasama ang cash at ibang mga bagay na ipinamigay. Bukod pa ito sa perang nagmula sa sarili nitong bulsa. At nagbigay pa ito ng mineral water sa mga sinalanta at hati sila ni Boy Abunda.
Samantalang si Wilie Revillame na napakarami ang iniendorso ngunit isang milyon lang ang ibinigay nito na galing sa sarili pa nitong bulsa,huh! Hay, naku! Kung makapagsigawan sa kanyang yaman, parang nakakikilabot. Ano raw?
Nagpunta nga si Willie sa ibang mga nasalanta kasama pa si senador Manny Villar ngunit ang tingin ng karamihan ay halong pulitika na ito,huh! No comment ako diyan. Naloka ako bigla at nawindang ang aking ulirat,huh! ‘Yun na.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding