WALANG NORA Aunor na sumipot sa magarbo at espesyal na pagtatanghal ng 50th showbiz anniversary ng nag-iisang Master Showman German Moreno last April 24 na ginanap sa Newport Performing Arts ng Resorts World Manila.
At kahit nga halos lahat ng mga naging anak-anakan at mga natulungan ni Kuya Germs ay sama-samang nakisaya at nakilahok sa selebrasyon ni Kuya Germs, marami ang nakaramdam ng kakulangan sa hindi pagdalo ng nag-iisang Superstar na nakasama nito ng ilang dekada mapa-telebisyon man o pelikula.
Marami nga ang nag-abang sa pagdating ni Nora Aunor na maituturing na isa sa pinaka-close ni Kuya Germs, pero nabigo ang marami dahil sa ilang oras na pagtatanghal ng show ay no show talaga ang Supertar.
Pero kahit wala ang Superstar, dumalo at nagpakita ng pagmamahal kay Kuya Germs sina Maricel Laxa kasama ang kanyang butihing ina at napakagandang anak, Sharon Cuneta, Lani Mercado with Senator Bong Revilla, Raymond Lauchengco, Sunshine Dizon, Iza Calzado, Susan Roces, Gloria Romero, Pilita Corrales, Jackie Lou Blanco, Glydel Mercado, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Manilyn Reynes, Jaya, Vina Morales, Sheryl Cruz, Jessa Zaragoza, Elizabeth Ramsey, Kempee De Leon, Janno Gibbs, Billy Crawford, Carla Abellana, Jolina Magdangal, Dawn Zulueta at halos lahat ng artista at mga big boss ng GMA-7.
Laking gulat din ng marami nang lumabas ang video ng CEO/President ng ABS-CBN na si Ma’am Charo Santos-Concio na malaki rin ang naging part ni Kuya Germs sa showbiz career nito. Marami nga ang natuwa sa naging gesture ni Ma’am Charo na kahit nasa ibang istasyon na siya at may mataas na posisyon, hindi niya hinayaang dumaan ang malaking selebrasyon na hindi nababati man lamang ang nag-iisang Master Showman.
WALA SIGURONG hindi nakaaalam sa sayaw na Gwiyomi na pandemonium ang kasikatan ‘di lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. At isa sa mga showbiz personality na talaga namang kinagigiliwan ang Gwiyomi version ay ang Kapuso Tweenstar at isa sa cast ng Home Sweet Home na si Teejay Marquez na nag-number 2 sa pinakapaboritong version ng Gwiyomi Dance na napapanood sa YouTube.
Ito nga ang magandang balitang sumalubong kay Teejay na kagagaling lang sa kanyang shooting ng telecom commercial at pictorial para sa billboard nito sa Malaysia, kung saan marami ring babaeng Malaysian ang nabighani sa kaguwapuhan ng young actor.
Marami ang na-cute-an at nahumaling na panoorin ang Gwiyomi ni Teejay na mga Pinoy at kahit nga mga Koreana na-hook din dito. And as of now ay pumapalo na sa 160,000 hits sa YouTube ang version nito ng Gwiyomi na halos lahat ay gumagawa. At kung hit sa Korea ang Gwiyomi ni Teejay, hit na hit din ito sa mga kababayan nating Pinoy at kahit nga ang ilang celebrity ay pinapanood na rin ang version na ito ni Teejay, at madalas na rin nga itong maisama sa mga palabas sa telebisyon na nagpapakita ng iba’t ibang celebities na naggi-Gwiyomi.
GAGANAPIN SA April 26 sa San Andres Sports Complex, Malate, Manila ang isang makabuluhang show, ang “Greeneration Concert for a Cause” na tatampukan ng mga newest discovery ng Mister Earth Philippines Foundation na sina Jen Villagomez, atbp.
Kasama rin ang mga GMA-7 artists na sina Arkin Del Rosario na regular na napapanood sa Walang Tulugan at bida ng pelikulang Pagari, at kasama sa pelikula ng Viva Films na Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi; ang sikat na boyband na tinaguriang Trending Cutties, ang UPGRADE; Perlie Miranda, La Mega Louie Regala, at 2012 Memp winners.
John’s Point
by John Fontanilla