PARA MAPAPAYAG NG TV5 si Nora Aunor na umupong hurado sa katatapos lang na Ultimate Battle of the Champions ng Talentadong Pinoy, who would come all the way from the US, could be the biggest, and most expensive, negotiation na nangyari.
Sad to say, no-return-no-show si Nora. May sakit daw ito at nawalan ng boses. That much her camp reasoned out makaraang tatlong madaling araw daw naghintay sa kanyang pagdating ang crew mula sa iba’t ibang TV network sa NAIA.
Early on, hindi lang naman ang TV5 ang nagkainteres na kunin ang serbisyo ni Nora. Reportedly, there was ABS-CBN trying to cook up a regular TV soap for her, pero tinanggihan daw niya ito as she would only play support.
Wanting to return home to revive her career, pero kailangang merong sumagot ng kanyang pamasahe pauwi ay nag-offer pa mismo si Alfred Vargas na gagastusan ang airfare ng Superstar. Naantig kasi ang ina ng pulitikong aktor nang mapanood ang panawagan ni German Moreno sa Showbiz Central, yet lumabas pang masama si Alfred sa paningin ng ilang mga Noranians.
Ngayon kumuda nang bonggang-bongga ang mga Noranians sa hindi pagsipot ng kanilang idolo sa Talentadong Pinoy, gayong sinagot na nga ng TV5 ang pamasahe at isusuot ni Nora nu’ng gabing ‘yon, only to make a last-minute advice na hindi siya makakarating dahil may sakit siya at nawalan ng boses?!
Dekada sitenta noong sumikat si Nora bilang mang-aawit, mas nakilala muna siya sa larangan ng musika bago naging isang mahusay na aktres. Pero kumbaga sa ‘drama’ ni Nora ngayon, my apologies to her blind fans…lumang tugtugin na ‘yan!
Sana man lang kung siya si Bruno Mars, meron bang naging ‘billionaire’ sa pagka-casino?
NAGKATAONG NASA BORACAY si Ruffa Gutierrez nang sumalanta ang Tsunami sa Japan nitong Biyernes, naka-billet siya sa pinakamahal na hotel doon.
Bagama’t hindi naman kabilang sa alert status ang southern part ng Pilipinas na maaaring tamaan ng Tsunami several hours after it hit Japan, nagsitawagan ang pamil-ya at mga kaibigan ni Ruffa to check on her.
In-assure naman ni Ruffa na payapa naman ang dagat, no need to worry. Pero naroon pa rin daw ang agam-agam ng aktres, paano kung makaranas naman sila ng lindol sa tinutuluyang hotel, nakaligtas nga sila sa nagbabadyang tsunami?
Caught in such a disaster, inirerekomendang lumikas ang mga tao sa mas mataas na lugar for safety. Nag-inquire daw si Ruffa na balak lumipat sa mas mataas na palapag ng hotel, ang kaso, P40,000 ang day ng two floors higher than her room! Wa na, stay na lang daw siya sa kanyang kuwarto.
Samantala, sa gitna ng nag-aapoy noong oil refinery sa Japan as an aftermath ng lindol at tsunami, ‘nag-aalab’ din ang bagong soap na kinabibilangan ni Ruffa sa TV5. She plays Orchidia in Mga Nagbabagang Bulaklak with lead stars Arci Muñoz as Dahlia and Ritz Azul as Daisy to premiere on March 21.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III