KAMAKAILAN AY LUMIPAD patu-ngong Amerika si Shaina Magdayao for a short vacation. Tama lang naman ang desis-yong ito ng young actress to give herself a break. Lalo pa at mas-yadong maintriga nga ang panibagong isyu sa kanilang tatlo nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz.
Although nagpa-interview pareho kay Boy Abunda for The Buzz sina Shaina at John Lloyd, hindi naging malinaw sa mga naging pahayag ng mga ito kung talaga nga bang break na sila. Pero sa sinabi ng aktor na may kailangan muna siyang ayusin sa panig niya, parang ang dating ay cool off nga sila ngayon.
Kung sa bagay, sa nangyayari, tila nga makabubuting bigyan muna nila ng space ang isa’t isa para makapag-isip-isip nang mabuti. Lalo sa panig ni John Lloyd na napapabalitang nasasakal na umano nang husto sa pagiging possessive at selosa ni Shaina.
‘Yun na!
NAPAAGA ANG PAGPIRMA ni Nora Aunor ng panibagong kontrata sa TV5. Ang unang nasabi kasi sa amin ng Superstar, pupunta muna siya sa Amerika at pagbalik niya sa Pilipinas ang nasabing pirmahan.
Naganap ang nasabing contract signing sa Marriot Hotel sa Pasay City last October 28. Tatlong taong kontrata ang pinirmahan ni Nora sa TV5.
Naging emosyonal nga raw ang aktres pagkatapos nito. Ngayon lang daw niya naramdaman at nakita ang gano’ng respeto, suporta, at pagmamahal na ibinigay ng Kapatid Network sa kanya.
Pahayag pa nga ni Mama Guy sa interview sa kanya ng media na sumaksi sa pagpirma niyang ‘yon, “’Di ba kapag mga singkuwenta anyos ka na, kahit na anong gawin mo, dumarating ‘yong time na wala na. Pero sa kanila (TV5 management) kasi, nando’n ‘yong pagtitiwala nila, sa kanila ko lang naramdaman ‘yon. At saka nakakausap ko sila. Sa ibang network, ang dami mong dadaanan. At kahit na makausap mo, kung ano ‘yong pinag-usapan ninyo, hindi nila susundin. Eksperiyensiya ko ‘yon.
“Ngayon lang talaga ako na-bigyan ng ganitong importansiya at respeto. Ngayon ko nakikita ‘yong nangyayari sa Amerika… sa ibang bansa na… habang nagkakaedad ka, mas lalo kang binibigyan ng respeto bilang artista. Na-feel ko ‘yon dito sa TV5.”
Hanggang 2014 ang contract na pinirmahan ni Nora. Ang TV5 na bale ang mismong magma-manage na raw sa kanyang career.
Kung sa bagay, tama lang naman kung magdesisyon ang Singko na alagaan nang husto ang career ng Superstar. Because Nora really worked hard naman para marating ang estado ng kanyang pagiging aktres sa ngayon.
Hindi nga raw niya inasahan na magkakaroon ng extensiyon ang kanyang Sa Ngalan Ng Ina na patapos na ngayong weekend. Ang akala raw ng aktres, after ng ending ng nasabing mini-series, that’s it.
Pero no’ng ipinatawag raw siya ng management ng TV5 tungkol sa bagong kontratang pag-uusapan para sa kanya, no’ng nakita raw niya ang draft nito, it was indeed an offer daw na tipong hindi mo tatanggihan hindi lang in terms of financial matters kundi pati ‘yong pag-aalaga na gagawin sa kanya bilang talent ng Channel 5.
Marami na raw napirma-hang kontrata dati si Nora, pero iba raw itong sa TV5 nga. Hindi lang ‘yong guarantee na security para sa kanyang pagiging talent kundi pati buong pagmamahal daw ng management is there.
Para kay Nora, hindi naman daw pinag-uusapan ‘yong pera but more of ‘yong respeto raw. At ang naging feeling daw ni Mama Guy, while she was signing it, ibang-iba raw.
Kaya hindi raw alam ng aktres kung paano magpapasalamat sa may-ari ng TV5 na si Manny Pangilinan, sa CEO nito na si Atty. Rey Espinosa, at sa iba pang bumubuo ng management ng network.
Nakasaad sa bagong kontratang katatapos lang pirmahan ni Nora ang napakaraming projects na nakatakda niyang gawin. May pelikula. May weekly drama anthology. May mas mahabang serye pagkatapos ng Sa Ngalan Ng Ina. Meron ding isang reality show para sa mga bagong singers na siya ang magsisilbing singing coach.
May plano ring recording at mga concerts at special shows para sa kanya. Ito’y pagkatapos daw ng isasagawang throat ope-ration niya sa Amerika na naka-schedule by January next year, na balitang sasagutin na rin ng TV5 ang expenses para rito.
Tinitiyak ng pamunuan ng Kapatid Network, Nora Aunor wil be very very busy raw next year. Bongga!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan