HAD THE change to catch the showing of Ang Kuwento ni Mabuti starring Nora Aunor at Gateway Cineplex last Wednesday evening pero alas-kuwatro pa lang ng hapon, sold-out na ang ticket.
Bulto-bulto ang bilihan. Tipong block-screening ang nangyari dahil mostly from Nora Aunor’s fan groups ang mga naroroon para patunayan na ang idol nila ay buhay na buhay pa rin.
One screening lang noong gabing ‘yun ang pelikula ng aktres. By schedule ang mga obra na kalahok sa unang Cine Filipino Film Festival. Next screening ng pelikula ni Nora ay ngayong Biyernes kung sa Gateway mo gusto manood na very accessible sa mga Noranians na mga taga-Quezon City at Marikina.
Kaya kawawa ‘yong taga-Pagsanjan, Laguna na lumuwas pa ng Manila noong araw na ‘yun para lang mapanood ang pelikula ng idolo nila dahil sold-out ang tickets. Tipong may nag-kartel.
Suwerte nga namin dahil nang mabalitaan ni Nestor de Guzman (solid fan ni Guy) na wala akong makuhang ticket, inabutan niya ko ng isa.
Ang mga pamosong mga fashion designers like Avel Bacudio and Robin Lolin na nagpauna na ng kasama para makabili ng tikets ay nganga at wala na ring mabili.
Ini-expect ng mga Noranian na dumating ang idol nila pero ang mga directors like Joel Lamangan and Gil Portes ay andu’n para manood ng pelikula ni Nora na ang mga dialogue ay 100% in local dialect ng Nueva Viscaya, ang Ilokano.
Present si Arnold Reyes, na gumaganap bilang anak ni Nora. Hindi namin napansin si Mara Lopez who plays Nora’s daughter na ina ng apat na mga maria mula sa iba’t ibang mga lalaki.
Pero kung ikukumpara ang naunang pelikula ni Guy na Thy Womb, mas gusto ko ito kaysa sa Ang Kuwento ni Mabuti.
Maraming mga eksena kasi na paulit-ulit (lalo na ang kanyang panggagamot); ang mga eksenang parang walang saysay na wala siyang ginawa kundi maglakad nang maglakad sa mga gulod ng Nueva Viscaya na halos mga kalbo na dahil sa illegal loggings.
May eksenang walang wawa rin tulad ng isang binata na kausap ang isang bibe (duck) na napapailing na lang ako kung anong saysay ng eksena sa pelikula.
As a whole, sablay ang obra ni Mes de Guzman sa amin. Maging ang istorya, hindi interesting para sa amin (unless kung Noranian ka siguro) na ang layo ng kaibahan sa Thy Womb na mas international ang appeal showcasing the Badjao culture of Tawi-Tawi.
Maging ang mga entertainment writers na andu’n na kasabay naming nanood, they prefer Thy Womb kaysa sa Ang Kuwento ni Mabuti.
LAUGH TRIP si Marian Rivera kapag kasama na niya si Ai-Ai delas Alas.
Ang prim and proper image niya, nagiging luka-luka just like the Comedy Box-Office Queen kapag nagkakasama silang mag-bonding.
Alam naman natin kung gaano ka-game ni Ai-Ai kumpara kay Marian pero nasakyan ito ng pretty girlfriend ni Dingdong Dantes.
Kaya nga hindi ko ma-imagine na after nilang mag-bonding before the shooting of Kung Fu Divas (showing on October 5) malamang sa hindi, laugh trip ang dalawa at walang patid sa pagpapa-kenkoy ni Ai-Ai dahil nahawahan na rin yata si Marian sa pagiging lukring ng comedienne.
Sa unang pagkakataon during the bloggers presscon a couple of weeks ago, first time nakatapak ni Marian sa Kapamilya Network at siya mismo impressed sa nasaksihan niya sa karibal na istasyon ng mother studio niya, ang istasyon na katabi ng MRT Station along EDSA.
Reyted K
By RK VillaCorta