“Para sa akin, siya ang pinakamagaling na artista ng pelikulang Pilipino. Siya ang tanging artista na hinahangaan ko. “
Ito ang naging pahayag ng nag-iisang Superstar at bida sa 2016 Metro Manila Film Festival entry na “Kabisera” na si Nora Aunor sa pagyao ng showbiz icon na si Lolita Rodriguez.
“Isa siyang kawalan sa sining. Saan ka man naroroon, asahan mong lagi kang mananatili sa aking puso,” sabi ni Ate Guy.
Dagdag pa niya, “Hindi ko malilimot ang mga itinuro mo sa akin. At salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon na makasama ka at makagawa ng isang pelikula (Ina Ka Ng Anak Mo, 1979) na hanggang ngayon ay ipinagmamalaki ko at iba pang kababayan natin. Sa aking idol, isasama kita sa aking mga dasal!”
May pakiusap din si Ate Guy sa mga Pilipino. “Sana suportahan ng mga Pilipino ang mga pelikulang kasama sa sa Metro Manila Film Festival, dahil ang tagumpay ng filmfest ay tagumpay ng pelikulang Pilipino.”
GMA artist, 1st runner-up sa BNY Next Gen Ambassadors 2016
Tinalo ng representative ng Manila na si Nicole Grimalt na tinanghal na female winner ng Search For BNY Next Gen Ambassadors 2016 ang 9 female candidates, including GMA Artist Center star at nagkaroon na ng ilang shows sa Kapuso Network na si Mariel Pamintuan ng Manila na nasungkit ang 1st runner-up at naging 2nd runner-up naman si Zen Jones ng Cebu, na ginanap sa Kia Theater last December 4.
Wagi naman sa male division ang representative ng Pangasinan at sumali rin sa Pinoy Boyband Superstar na si Marcus Paterson, habang 1st runner-up naman si Jindric Macapagal ng Cebu, at 2nd runner-up naman si Raven Siccion ng Manila.
Nagsimula ang show sa isang bonggang production numbers ng mga image model ng BNY na sina Michelle Vito, Joshua Garcia, Barbie Forteza, at Jake Vargas. Habang nagbigay naman ng song number si CJ Navato and Kristel Fulgar na sinundan ng production numbers mula sa GirlTrends.
Ang female candidates ay binubuo nina Mariel Pamintuan (Manila ), Zen Jones (Cebu), Claire Lu (Davao), Danica Colle (Legaspi), Lira Acachang (Baguio), Monique Obispo (Legaspi), Ann Geleen Baroma (Baguio), Jessica McCarthy (Cebu), Nicole Grimalt (Manila), at Mica Villasencio (Davao ). Samantalang ang male candidates naman ay binubuo nina Miguel Abad (Manila), Adrianne Earl Santos (Legaspi), Raven Siccion (Manila), Ralph Gica (Cebu), Allen Paul Sambrano (Baguio), Marcus Paterson (Pangasinan), Earl Kim Franco (Davao), Jendrick Macapagal (Cebu), John Lloyd Tejano (Davao), at Bennex Vargas (Legaspi).
Ilan sa mga nagwagi ng special awards sina: (Lourd Creation award) Face of Creation – Mariel Pamintuan, Jendrick; Rounding Ready award – Ann Geleen Baronga, Allen Paul Sambrano; Ms. Ever Bilena – Lira Acachang; Ms. EB Natural – Mariel Pamintuan; Ms. UniSilver Time – Mica Villacensio; Mr. UniSilver Time – Marcus Paterson.
Naging hurado sina Valeri Lim, Gelli de Belen, Xander Angeles, Wilma Doesnt, Vince Uy, at Jerome Atienza, hosted by Mico Aytona.
John’s Point
by John Fontanilla