HULING HIRIT na ng seryeng Onanay this week at papalitan na ang top rating show tungkol sa “lovelife” ng isang midget na na-inlove ang isang guwapo tulad ni Wendell Ramos na siyang huling plot ng palabas.
Makailang beses na rin na-extend ang show dahil may clamor ang audience sa GMA na huwag muna tapusin ang serye reason kung bakit hindi tinanggap ni Nora Aunor ang pelikulang Jesusa at nai-offer ito kay Sylvia Sanchez na ready na rin for showing sa isang local film festival na pinamumunuan ni Direk Brillante Mendoza.
Now, ano ba ang naghihinay sa dating Superstar after ng serye niya (na ang pinakabida ay si Jo Berry talaga ayon sa mga regular viewer)?
We’ve got news na may dalawang pelikula na offer para kay Nora pero walang rason na wala siya mapapagpilian gayong tapos na ang serye niya kaya may panahon na siya mag-shooting.
Unang offer kay Nora, a film by a not so magaling na director na line produce sana ng isang entertainment writer. Is it true na kaya ayaw gawin ni Nora ang project ay dahil sa director?
Pangalawang offer sa aktres ay isang pelikula na sinulat ng batikan at magaling na na si Lualhati Bautista na until now, as I write this column item ay wala pa rin linaw ang naturang project na ang balita na nakarating sa amin, hindi pa makapag-desisyon si Nora kung tatanggapin ba niya ang proyekto na ang main isyu yata ay ang budget niya na hindi swak sa allotted talent fee na offer ng producer.
Sa estado ni Nora, dapat piliin na niya ang mga proyekto na magaganda para hindi siya muli bumalik sa waley lalo pa’t maganda ang pagkasali niya sa Onanay na positibo ang naging feedback sa kanya (after all those kaartehan, delays at mga alibis niya in the past na nakakadala kung siya ang artidta mo pero sabi ay nagbago na ang aktres).
Enough with those “indie-indihang” films na naglipana sa market na hindi mailabas-labas sa mainstream or magkaroon ng commercial run dahil nga sa pagiging independent ng obra, ang content ay pang-indie rin and for sure, mas madami pa ang langaw sa loob ng sinehan para magpalamig.
Reyted K
By RK Villacorta