OKAY SA alright! Umpisahan na natin ang mga chismax to the maximum authority of chikka, naman! Ang topic natin ngayon ay ang mga talunan at wagi. Siyempre, unahin muna natin ang wagi.
Nu’ng nakaraang Sunday, dapat a-attend ako ng PMPC Star Awards for Music sa pag-iimbita sa akin ng isang miyembro nila. Kaya lang, hindi na kinaya ng power ko, sobrang pagod. Saturday kasi, walang tulugan, parang programa lang ni Kuya Germs sa TV, dahil nga sa pagpunta namin sa Batangas sa imbitasyon sa amin ng mahal na gobernadora na si Vilma Santos-Recto. At Sunday naman, may programa ako sa DZRH.TV, 2-3 pm. Hayun, lagpak sa higaan ang lola n’yo, na-miss ang awards night.
Habang nagpapahinga ako, may nag-text na ang mga alaga ko, wagi. Una si DK Valdez na umuwi lang sa Pilipinas last Sept. 7 para makadalo sa nasabing parangal. Kasi, isa siya sa mga nominee bilang Best New Male Recording Artist. Biglang nag-text sa akin, “Tita Swarding, nanalo po tayo!” Hayun, hindi na ako nakatulog sa tuwa.
Kinabukasan naman, pagbukas ko ng FB, bumulaga rin sa akin ang isa pa sa lagi kong kasama sa programa ko sa DZRH.TV tuwing Linggo, ang Wonder Gays, wagi rin sa kanilang ‘Blind Item’. Hindi lang sa isang category, kundi sa tatlo.
Kaya lubos ang kaligayahan ng inyong lingkod. Payo ko nga sa kanila na lalo nilang pagbutihin ang kanilang ginagawa at ‘wag magbabago.
Sa mga bumubuo ng Wonder Gays na sina White, Gray, Blue, Pink, and Green, and to DK Valdez, I’m very proud of you. At mula sa aking puso, congratulations! And of course to Lito de Guzman, ang manager ng LTD Production at ng Wonder Gays, more blessings to come. At sa mga bumubuo ng PMPC Star Awards for Music, sa kanilang presidente na si Roldan Castro, mabuhay kayong lahat!
Anyway, hindi naman nasayang ang pagtulong ko sa kanila, at sa pagpapaalaala sa kanilang mga ginagawa. Like DK Valdez, na kahit nasa malayong lugar siya, parang nandirito lang siya, dahil araw-araw ay may communication kami sa FB, at laging tumutugtog araw-araw ang kanyang mga song sa Pinoy Radio UK sa London, kung saan may programa po ako roon every Saturday, 6-8 pm Manila time at 11-1 pm London time, kasama po si Max Co. At napasama sa Top 20 ang songs niyang ‘My Love Will See You Through’, ang revival song ni DK na pinasikat ni Marco Sison, at ang kanyang ‘Tatanggapin Pa Ba Kita’ ay most requested song. Marami na siyang fans all over the world.
Sa lahat ng mga nagwagi, congrats to all of you!
DUMAKO NAMAN tayo sa talunan. Overexpected kasi ang mga Noranian na magwawagi sa Venice International Film Festival ang entry ng kanilang idolo na si Nora Aunor, ang Thy Womb. Halos kumpleto pa ang cast, except Bembol Roco, kasama ang kanilang director na si Brillante Mendoza.
Bongga ang kanilang pagpunta sa Venice at todo ang mga praise release na magwawagi na naman ang kanilang idolo. Hayun, sa sobrang expectation, walang nakuhang kahit isang award. Hindi nailuwal ang sanggol sa sinapupunan. Ibig sabihin, tapos na talaga ang maliligayang araw ng isang Superstar. Na kahit siya mismo, ayaw nang magpatawag nang Superstar
Napakinggang ko kasi sa panayam ng katotong Morly Alinio sa DZRH.TV na sinabi niyang “‘wag na n’yo akong tawaging Superstar”. Siguro, nararamdaman na niyang hindi na siya karapat-dapat sa titulong Superstar.
Kaloka, as in, kasi may pinapainit sila na parang wagi raw, kasi may nagbigay ng award na Best Actress daw kuno. Aywan ko kung saan nanggaling ang award na ‘yan. Basta maliwanag pa sa sikat ng araw na bokya sila at umuwing luhaan. Ibig sabihin, nganga at walang award na natanggap ang Thy Womb.
Balita nga na sa susunod na taon, mainit na naman ang labanan ng magkabilang kampo. Kasi, Vilma Santos at Nora Aunor na naman ang maglalaban sa mga award-giving body sa kanilang pelikulang The Healing at Thy Womb. Hindi pa man natatapos ang taon, pero usap-usapan na magiging makulay na naman ang susunod na taon sa pamamahagi ng awards. Ngayon pa lang ay sinasabing ang idolo nila ang magwawagi. Sino nga ba?
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding