Noong Sunday, dumalaw kami sa wake ng ina ng kaibigang Ms. Maribel “Lala” Aunor na si Mamay Belen.
Namatay kasi si Mamay Belen sa Binalonan, Pangasinan noong Friday early morning na nang makarating ang balita kay Lala, agad-agad itong lumuwas ng Pangasinan para sunduin ang labi ng ina.
Noong Sunday, inaasahan ko na isa sa unang sasaklolo sa kanyang pinsan na si Lala ang aktres na si Nora Aunor. Inaasahan nga ng mga kaibigan ni Lala na isa si Guy sa unang makikiramay sa mga naulila ni Mamay Belen, the fact na ang tiyahin niya (kapatid ni Mamay Tunying si Mamay Belen) ang siyang masasabing trainor at discoverer ni Nora para maging isang magaling na singer ang aktres at katuwang niya sa pag-abot ng kanyang pangarap mula sa riles ng mga tren sa Iriga City, kung saan dati-rati’y nagtitinda lang ng tubig ang aktres bago ito pinagtiyagaan ni Mamay Belen na i-train para maging isa sa magaling na mang-aawit at siyempre para maging isang Superstar.
Kaninang umaga inilibing ang mga labi ni Mamay Belen sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque, pero hanggang sa maihatid sa kanyang huling himlayan ang tiyahin, walang Nora Aunor na nagpakita sa lamay o nakipaglibing man lang.
Sabi ng isang member ng GANAP (samahan ng mga different Nora Aunor fans club) na gabi-gabing nasa lamay, “Ano ba naman si Ate Guy, parang siya walang pakiramdam. Wala siya utang na loob.”
Reyted K
By RK VillaCorta