OLA CHIKKA! HANGGANG sa ngayon ay hindi ko pa rin lubos maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip ng suki sa aking column na si Cristy Fermin. Naiintindihan kong bilang commentator ay may karapatan siyang magbigay ng kanyang opinion tungkol sa mga tao sa mundo ng showbizness gaya ng aking ginagawa.
Lahat tayo ay may freedom of speech. Ngunit sa sobrang kalayaan, hindi na natin napapansin na nakasasakit na tayo sa ibang tao at kung minsan ay sumosobra na at masyado nang personal, kaya riyan pumapasok ang demandahan.
Kaya naman hindi na nakapagtatakang maraming libel cases na ang pinagdaanan nitong si Cristy Fermin dahil kung magsalita siya, akala mo kung sino nang sobrang galing. Iba’t ibang artista na ang nakaranas ng hindi patas na komento niya at ngayon naman, pati ang pangalan ng one and only Superstar natin sa si Nora Aunor ay hindi rin nakalagpas sa matalas niyang dila.
Hanggang ngayon ay tinutuligsa pa rin niya at kung anu-anong comments ang pinagsasabi tulad na lamang na pinagdidiinan pa niyang mahirap na talaga si Ate Guy at walang ibang ginawa kundi mag-casino pa rin, wala na ngang boses, sugal pa nang sugal. Tinitira mula sa kanyang column, blind items, at pati sa mga shows niya sa television present din ang Superstar.
Tanong ko lang, ha? Ano bang problema niya kay Nora Aunor? May ginawa ba sa kanya at kung mag-react siya tungkol du’n ay ganu’n na lang? Kaya hindi ko rin masisi ang mga Noranians kung bakit galit na galit sila rito kay Cristy.
Kung may problema itong si Cristy sa mga Noranians, iyon dapat ang sabihan niya, hindi ‘yung titirahihn niya ang Superstar at magsasabi ng mga comments na dati pang nangyari. Hindi naman tamang ibalik mo pa ang pagkakamali ng nakaraan lalo na ngayon at nagbabagong-buhay na si Nora. Buti pa ang Superstar, nagbago na for good. Eh, siya kaya, kalian kaya siya magbabago? Hmmm…
NALOKA NAMAN AKO rito sa gown ng Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez para sa kanyang kasal kay Ogie Alcasid. Bonggang-bongga! Dahil sa amount pa lang ng wedding gown niya, mapapa-wow ka na talaga.
Ngunit para sa akin, ha? Hindi naman kailangang mamahalin ang magandang gown na gusto mo, kung puwede namang magkaroon ng to the higest level na kabonggahan ang gown mo na gawa rin ng kababayan mo. Sabi nga nila, tangkilikin ang sariling atin.
Nitong buwan lamang, mga first week yata ay dumalo ako ng fashion show nitong si DENNIS CABALINAN sa SM Megamall, Megatrade Hall, Building B, at talagang namangha ako sa kanyang mga gawang wedding gown.
Makikita mo ang kanyang ang avant garde or new techniques or bonggang creativeness or unique look for bride and debutant. Lahat ng designs at details ay ginawa at pinag-isipan nang mabuti para sa lahat ng shapes at sizes, kahit na ang size mo ay from 0 to whatever you are, tiyak na magagawan ka niya ng napakagandang gown na iyong nais.
Sa 9 years niyang tinagal sa industriya ng pagde-design, sigurado akong magugustuhan n’yo ang kanyang gawa at malamang ay higit pa sa inyong inaasahan.
Kung kayo ay may katanungan, maaari kayong tumawag sa 480-8369 or 211-3105 or magsadya sa kanyang shop sa 51 Marvex Drive, My Homes, Unit 2 Phase 11 A, Bonifacio Avenue, Q.C. or para mas madali, mag-e-mail na lang sa [email protected]. Dahil naniniwala kami na “Beauty deserves the best!” Paaak!
BLIND ITEM: PITIK-Bulag! Sino siya? 100 % na mahuhulaan n’yo itong maaari na nating ituring na drama princess dahil sa galing niyang umarte at sa dami ng pelikula niyang humirit sa takilya na ngayon ay kinukutya dahil sa intrigang kinasasangkutan niya ngayon.
Hindi naman yata tama na dahil sa chismis na iyon ay masisira ang magandang image na pinaghirapan niya na kitang-kita naman natin na mula noon hanggang ngayon ay bongga pa rin ang kanyang pag-arte, ‘di ba?
Hindi tulad ng girl na ito na may super duper over fans na halos makipagpatayan ay mapagtanggol lang ang kanilang idolo. Hello! Mas may napatunayan na itong si drama princess kesa sa kanya, ‘noh! Ano kailangan n’yo pa ba ng clue?! Ha-ha-ha!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding