TRUE BA ANG nakarating sa aming tsika na may syota naman pala si Willie Revillame at hindi totoong single pa ito?
Say ng isang mapagkakatiwalaang source, dancer ng Wowowee dati ang dyowa ni Willie. Open secret na nga raw sa mga kasamahan niya sa trabaho ang kanilang relasyon.
Medyo matagal na rin daw ang itinatakbo ng relasyon ni Willie kay Aiko Climaco na sinasabing miyembro ng Wowowee Dancers dati. Maganda si Aiko at talagang seksing-seksi pa.
Ang maganda lang sa relasyon ng dalawa, that is, kung totoo ngang meron silang relationship, ay nagagawa pa rin ni Aiko ang mga nais niyang gawin. Hindi raw ito pinipigilan ni Willie. Katulad na lamang ng pagsasayaw, hindi raw tutol si Willie na magsayaw pa rin si Aiko kahit sila na. Hindi nito pinipigilan ang dalaga. Puwede naman daw na sabihin ni Willie kay Aiko na tumigil na sa pagsasayaw dahil kayang-kaya naman niya itong buhayin pero hindi niya ito ginawa.
Minsan nga ay nagsayaw pa sa Fantastik, isang youth-oriented program ng Singko si Aiko.
So, kung totoo ang tsismis na ito, hindi pala talaga single si Willie.
Teka, ano na ang nangyari sa palipad-hanging panliligaw ni Willie kay Shalani Soledad? Gimik lang ba ‘yon para pag-usapan ang kanilang show together?
ANO BA ‘YANG Kapuso stars, parang nagkakalat yata ngayon.
Una, si Rhian Ramos. Pangalawa, si Iwa Moto naman. At ang common denominator ng dalawa bukod sa pagiging parehong Kapuso ay may kinalaman sa love life.
Si Rhian nakakaloka. Kahit na obvious na magdyowa naman sila ni Mo Twister ay hindi niya ito maamin-amin. Wala siyang paninindigan na aminin ang totoong relasyon nila ni Mo. It was as if mali ang move niya na maging dyowa ni Mo.
Nakakatawa na nga, eh, kasi kahit hindi sila umaaming magdyowa ay nilalabas naman ni Mo ang mga bagay na nagpapatunay na magsyota nga sila. Kumbaga, kung ano ang pilit na itinatago ni Rhian sa publiko ay libreng-libre naman na pinasisilip ni Mo sa pamamagitan ng kanyang Twitter account. Pati ang photos nila ni Rhian ay kanyang pino-post.
Ang isa pang may diperensiya rito ay si Mo. Hindi rin niya kayang aminin in public na may relasyon na sila ni Rhian. Bakit kaya? Naduduwag na ba siya? Ang akala ko ang tapang-tapang niya?
Obvious namang may pressure sa relasyon nina Mo at Rhian. May isang kampo na ayaw sa TV host kaya naman tila wala ring mangyayari sa kani-lang relasyon.
Mabuti na nga sigurong maghiwalay na lang sila.
Ito namang si Iwa, bagsak din ang lovelife. Matapos ang sagutan nila ng kanyang dyowa sa taping ng show ng dalaga ay may habulan pang naganap. Nakakaloka, ‘di ba? Imagine, real-life drama ang nangyari sa compound pa man din ng GMA-7.
Wala na yatang balak balikan ni Iwa ang kanyang boyfriend. Sobra siyang nahihiya sa nangyari sa kanila sa loob ng GMA network. Parang first time yatang may nangyaring ganoong insidente sa loob ng isang network.
BLIND ITEM: HOW true na ang daming demands ng isang banda nang ma-invite sila para sa isang out-of-town concert?
Gusto nang bandang bigyan sila ng 40 bottles of mineral water na siyang Ikinaloka ng organizer. Gusto rin nilang sa hotel room nila i-serve ang food. At higit sa lahat, gusto ni-lang isalang kaagad kapag nasa concert venue na sila.
Sinex ang banda? Katunog ng name nila ang paninisi natin sa ibang tao, kayo kasi, eh? Get’s n’yo na?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas