Nova Villa: An artist is always an Artist

HABANG SINUSULAT KO ang artikulong ito ay naghahanda naman ako para maagang umalis papuntang San Mateo, Rizal para ma-meet ko sa location shoot ang rocker na si Pepe Smith. Kahit malayo ito, kailangang puntahan dahil ubos na ang aking materials. Buti at nag-review ako ng files at nakita kong hindi pa pala nailalabas ‘yung kay Tita Nova Villa. Saved by the bell.

Minsan may nagtanong din sa akin kung bakit kahit mga may edad na artista eh, mukhang ini-interview ko pa. Well, ang reason ko, bahagi ito ng sining na inaakda. Ito ay hindi lamang sa artista ng panahong ito kundi sa noong nakaraang panahon. Ito ay upang malaman ng mga makabagong tao kung ano ang kanilang kontribusyon at kung paano sila naging artista.

Sa ngayon, pasadahan natin ang isa sa naka-tandem ni Pidol na walang iba kundi si Ason sa Home Along da Riles, si Nova VIlla. Pero sa totoo lang, sa una, kahit comedienne ito ay kinakapa ko muna kung ano ang dapat na mga itanong kasi baka masilat ako.  Mamaya, tarayan ako or magalit sa ‘kin. Sa bagay, hindi maiwasan ito sa aming trabaho kaya kanya-kanyang diskarte na lang ka-ming mga manunulat.

May isang anak na babae si Tita Nova na ayon sa kanya ay nasa Amerika. Ang kanyang asawa for 38 years ay si Freddie Gallegos na dating manager ng Petron. Mapunta tayo sa aming tsikahan. Sabi ko, ang ganda ng palabas nila noong Home Along da Riles at pinapanood ko ‘yun daily. “Ah, hindi, once a week ‘yun.”

Kitam! Nadale ako ‘dun. Kinorek ako, hehehe! Pero wow naman, mahirap ngayong mag-maintain ng palabas nang ganu’n katagal. “Ah, siyempre nagbabago ang panahon sa 14 years na ‘yun. Siyempre marami na ring pumasok na mga bagets. Marami na silang mga bagong ideas. So, parang bago na rin na panoorin.

Ah, Big Brother, may mga ganu’n na. So parang nagka-edad na rin ‘yung shows, pero ‘yung mga fans namin eh, hinahanap pa rin ‘yung shows namin. Katulad ng ‘Abangan ang  Susunod na Kabanata’, parang ‘Chicks to Chicks’. Iyon ang mga tumatagal. Ngayon ang mga sitcom tumatagal na lang ng mga 2 years.”

Oo naman, tapos  papalitan parang musika. Sikat na sikat ngayon, bukas iba na. Naks! Mukhang nagkakasundo na kami sa usapan kaya ang mga tanong ko ay sinasagot naman niya nang maayos. Pero sa paningin ninyo bilang artista kayo noon, nae-enjoy pa ba ninyo kapag may taping kayo? “You miss the show so much because you enjoyed it. At saka masaya kami sa show. Kaya parang napakatagal ng one week na hindi kami magkita.”

Ayon sa kanya, nagsimula siya nang ma-discover ni FPJ. Kaya nagkoboy-koboy muna siya sa first movie niyang Daniel Barrion bilang leading lady ni FPJ. At alam ba ninyong 17 years pa lang daw siya noon? Naks! Kumbaga sa bulaklak eh, namumukadkad pa lang siya. “But, iyong ‘Baril na Ginto’ after that, freelancer na ako. Sa ABS sa TV. So, pa-guest-guest sa Oras ng Ligaya  sila ni Sylvia La Torre noong araw until nagkaroon ako ng ‘Mahiwagang Daigdig ni Doray’ with Nida Blanca. Kaming dalawa iyon. So doon talaga na-discover ‘yung pagiging comedienne ko.”

Ayon pa sa kanya, more on positive side siya at nagdarasal na lamang siya ‘pag may mga dapat siyang idalangin sa Diyos. Dagdag pa niya, “Tingnan mo iyong mga totoong comedian, dadaanin sa tawa ‘yung mga problema. I mean sa sense of humor. Kahit na may mga problema, you look young.”

Sa ngayon nasa Happier Together sitcom ng TV5 si Tita Nova sa papel na asawa ni Leo Martinez.

For comments and suggestions, call tel. no. (02) 3289838, e-mail: [email protected]  or visit www.pinoyparazzi.net

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleBlack Book Event cum Fashion Night with Kapuso stars
Next articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 70 May 27 – 29, 2011

No posts to display