DALAWANG best actress award sa telebisyon ang napanalunan ng veteran actress na si Nova Villa sa Star Awards. Nanalo si Tita Donna ng Best Comedy Actress taong 1991 sa Abangan Ang Susunod na Kabanata.
Taong 1998 naman nang muli siyang manalo Star Award ng Best Comedy Actress para naman sa sitcom na Home Along Da Riles. Parehong sa ABS-CBN ipinalabas ang dalawang programa.
Para sa magaling na aktres ay hindi na niya itinuturing na isang passion ang ginagawa niyang pag-arte ngayon sa TV at pelikula.
“Alam mo, sabi ko nga, hindi na ano, eh, it’s not a passion anymore – it’s a mission,” pahayag ng 73-year-old actress sa interbyu namin.
Patuloy niya, “For me, ha, sa edad kong ito, 73 na ako, dati passion talaga yon. Siyempre, you love your craft, gusto mong mag-artista at may gigil ka pa na gusto mong ilabas yung acting mo.
“Pero dumating yung oras na — sa dami ng — yung nanay, mga lola, kita mo naman 73 na ako, siyempre yung mga nanay ng millennials ngayon tsaka mga lola nila, ang lagi nilang sinasabi, ‘Tita Nova, pag napapanood ka namin nakakalimutan ko yung sakit ko.’ It’s because I made them laugh. Alam mo naman yung epekto ng laughter, di ba, nakaka-ano yan. Noon pa nila sinasabi sa akin yan and up to now.”
Ibinahagi rin sa amin ni Tita Nova na bagama’t hindi niya nakaeksena sa Miss Granny ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ay sobrang na-starstruck siya dito.
“Sa premier night ko nga lang nakita si Sarah noon. Sabi ko, ‘Hi Ms. Sarah,’ ako na yung gumanun. ‘Tita Nova,’ nag-embrace kami. Ano ako, na-starstruck ako sa kanya kasi ang bait niya,’” pagre-recall pa niya.
And now that Sarah is married to Matteo Guidicelli ay may wish din sa kanya si Tita Nova.
“Happy ako for her. I mean, ito na yung… matagal na siyang dalaga. It’s about time na ma-release ka na at ma-feel mo na talaga kung ano ang pag-ibig, magmahal, yung ganun, kaya I’m happy for her.
“Best wishes. Talaga naman I wish her all the best, the happiness. Go, go, go!” huling sambit niya.