DRA. VICKI BELO at Hayden Kho couldn’t care less anuman ang sabihin ng publiko tungkol sa kanilang reported wedding, to hell with arched eyebrows if not surgically enhanced eyes!
Although no specific wedding details, as of now, are made available to the public ay tanging ang gagawa ng bridal gown ni Vicki lang ang nakaanunsiyo, no less but US-based Cebuana designer Monique Lhuillier na siya ring nagbihis noong ikasal si Regine Velasquez kay Ogie Alcasid.
Ilan pa sa mga nabihisan ni Monique ay sina Britney Spears, Reese Witherspoon, sisters Jessica and Ashlee Simpson, Drew Barrymore, Teri Hatcher, and still counting.
In a recent interview with the married couple-to-be, kapwa tikom ang kanilang bibig as to the venue of their wedding. “Definitely, it’s not here (in the country), it’s out of the eyes of the public,” Hayden volunteered. Pero napakaimposible naman yatang makaalpas ‘yon from the local media raring to get just a glimpse of a union which many still believe is one of convenience pabor kay Hayden.
Pero sige, let’s give it to both of them. Kung saan sila masaya, who can stop them from seeking and ultimately finding their happiness? Let no barriers come between two people who profess their love for each other… love for each other daw, o!
Samantala, here’s wishing in advance the would-be couple that they live a “scented” life tulad ng perfume line ni Hayden, who hopes to be the first legitimate perfumer in the country. With six variants for men and wo-men, all scents carry such distinct labels as Romance, Bold & Sexy, Classic & Ele-gant, Style & Fashion, Sporty & Active and Simplicity.
THIS EARLY PART in her budding recording career ay iniintriga na ang “kapatid” ni Alyssa Alano through their common manager na si Tita Annie. Nakiki-ride on lang daw kasi ang 15 year-old Fil-Japanese upstart na si Nozomi sa YouTube fame ni Maria Aragon.
“I don’t know what ‘ride-on’ exactly means,” simula ni Nozomi, “if my being a big fan of her means just that, siguro po. But I swear hindi po ako gagamit ng ibang tao para lang po sumikat in this field.”
Truth is, nang mabalitaan ni Nozomi na nasa recording studio ni Vehnee Saturno si Maria ay agad siyang pumunta roon. Excited, if not starstruck, Nozomi even had a picture taken with Maria na kaya pala nasa studio ng batikang kompositor ay dahil ito rin ang “magbibinyag” sa karera nito sa larangan ng musika.
It’s a known fact that Vehnee is the musical genius behind the fledgling careers of recording upstarts. Sa kanya nga ipinagkatiwala ang buena manong six-track album ni Nozomi titled Before I Reach Sixteen na siya ring carrier single nito under Polyeast Records.
“Masuwerte nga po ako na si Tito Vehnee ang naka-discover sa akin, even luckier in knowing that he’s also composing songs for Maria Aragon who’s my idol,” sabi ng ta-lented bagets Fil-Jap artist.
KALAPASTANGANAN SA ISANG otsenta’y nuwebe anyos na si Lola Leonarda ang sentro ng kuwento ngayong Miyerkules sa Face To Face na pinamagatang Apo ‘Di Sinanto Ang Lola, Itinulak Sa Hagdan, Sinabunutan At Tinadyakan Pa! Kinilalang si Melissa ang apong may gawa ng kawalan ng respetong ‘yon sa matanda sanhi raw ng nakaririnding pagbubunganga nito.
Espesyal naman ang birthday episode bukas in honor of PAO Chief Persida Rueda-Acosta as she mediates in yet another legal case in Iniwan Ng Jowa Kaya Nang-agaw Ng Iba… Nalubog Sa Utang At Atrasado Pa Sa Renta! Sa likod ng mainit na talakayang ito, ang hinahangaan naming lady lawyer ay tinalupan ng kanyang “legal rind,” so to speak, as she pours out her sentiments towards her well-wishers lalung-lalo na sa mensahe mula sa kanyang kabiyak na si Atty. Ben Acosta.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III