MATAPOS MATALO ang defending champion na NU Bulldogs nang sunud-sunod, kung saan ay ang first game nila ay tinalo sila ng La Salle Green Archers at sumunod ang UE Warriors at ang Ateneo Blue Eagles, kung saan ang laban nila between Ateneo ay ang unang over time for this season ng UAAP at dalawang overtime pa, ngunit sila ay nabigo pa rin para makuha ang unang panalo nila. Pero sa kanilang game noong September 19, 2015 kontra sa undefeated team, ang UST Tigers, nakuha nila ang unang panalo nila for this season.
Ang 1st round pa lang ng elimination ng UAAP Season 78 Men’s Basketball Tournament ay napaka-interesting dahil wala nang unbeaten team sa round na ito at ang competition ay talagang tumitindig, sumusulong, at every game talaga ay getting tougher and tougher at lalong unpredictable for this season dahil bawat laro ang ganda ng laban. At kung titingnan ang standing ay dikit ang laban, talagang may puso sa paglalaro ng every team.
Sa first win ng NU Bulldogs kontra UST Tigers ay nagpapasalamat ang head coach ng NU na si Coach Altamirano, ‘ika nga niya ay they are very thankful for this first win. Sa unang 3 games ng NU, ang dami talagang challenge, ang daming pinagdaanan talaga kahit talo, pero ang mga players ay napaka-positive lang lalo na noong natalo sila sa Ateneo, at tingin ko sa game nila nito ay they played it with a lot of heart. Sa game nilang ito, Alfred Aroga played a hell of a game, laging sinasabi sa kanyang ‘wag mag-shoot nang ganoong tira, pero ‘yung shoot niya na iyon, iba eh, all heart niya ginawa at at determinado na gusto niyang manalo ang team niya. Kahit ang iba ay kabado sa shot na iyon na akala ng iba ay hindi masi-shoot, pero that shot became the game winner at ang teamwork at nakuha nila ang 1st win nila kontra sa UST at sana magtuluy-tuloy na ito.
Napakaganda ng laban kung saan noong first quarter pa lang ng game at nang nagtapos ito ay ang score ay all 17, may goal ang NU na makuha ang kanilang unang panalo at ang UST naman ay also to win at i-defend ang pagiging unbeaten streak for this season with a standing of 3-0.
Sa first half naman ay lumamang ang NU Bulldogs ng 7 points na may score na 33-26. Sa Third quarter naman ay humabol ang UST, pero nanatili ang kalamangan ng NU na 2 points sa score na 43-41.
Sa 4th quarter naman ay mas tumindig ang teamwork ng bawat team at sa mga konting segundo na lamang na iyon na may score na 53-54 in favor of UST ay nag-shoot ang Big Man na si Alfred Aroga, napakahirap ng shot ngunit pumasok ito at nagbigay ng kalamangan sa NU at nagtapos ang 4th quarter sa score na 55-54. Wagi ang NU Bulldogs.
Sa ngayon, ang overall standing ay tie sa pagitan ng UST, FEU, Ateneo sa top na may standing na 3-1, sumunod ang UP, UE, at DLSU na may 2-2, ang NU with 1-3, at ang Adamson na may 0-4.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo