Number 1 sa FM ang WSR

BUONG PAGPAPAKUMBABA NA nagpapasalamat ang WANTED SA RADYO sa inyong lahat dahil sa inyong patuloy na pagtitiwala at walang patid na pagsuporta sa WSR. Ipinapangako namin sa inyo na mas lalo pa naming paiigtingin ang aming pagtugon sa inyong mga sumbong dahil sa inyong walang sawang pagsusubaybay sa WSR.

Noong January 31, 2011, lumipat ang WSR sa bagong tahanan nito sa 92.3 FM Radyo5, isang bagong FM station ng TV5. At pagkalipas ng isang buwan at mahigit isang linggo, noong March 25, nagsagawa ng survey para sa ratings ng mga FM programs ang Radio Research Council (RRC) sa Metro Manila na kinabibila-ngan ng mahigit twenty FM stations. Natapos ang survey noong April 2. Sa nasabing survey, lumitaw na number one ang WSR sa slot na 2:00 – 4:00 pm, Monday to Friday.

Labis-labis ang aming pasasalamat sa inyo dahil sa hindi n’yo pagbitaw sa amin saan man kami mapunta. Maraming salamat muli mga BOSS – kayo na mga nagtitiwala at tumatangkilik sa amin.

NOONG MAY 23 ng umaga, pagkatapos mahatid ni Redentor Hapin ang kanyang misis sa trabaho gamit ang kanyang motor, at papauwi na, biglang pinara siya ng dalawang pulis na naka-type B uniform sakay rin ng isang motor.

Walang suot na helmet ang dalawang pulis na nakilalang sina PO1 Julius Ballesteros at PO1 Joel Gabaldon. Gayun pa man, sinita ng dalawa si Redentor dahil wala raw itong suot na helmet. Hiningi nila ang lisensiya ni Redentor. Tiyempo namang naiwan ni Redentor ang kanyang lisensiya sa bahay.

Agad na dinala nina Ballesteros at Gabaldon si Redentor sa presinto at idiniretso sa kalaboso dahil daw sa kasong driving without license and not wearing a helmet. Pero puwede naman daw magpiyansa sa kanila si Redentor.

Dahil wala siyang dalang pera, pinapunta ni Redentor ang kanyang misis sa presinto. Agad namang napasugod ang misis nitong si Maricel. Kinausap si Maricel ni Gabaldon at inaya siyang mag-merienda sa KFC.

Doon, sinabi ni Gabaldon na kailangan daw magbigay ng halagang P10,000 sa kanila si Maricel para mapa-kawalan si Redentor. Nagkatawaran hanggang sa bu-maba ang halagang hinihingi sa P5,000.

Ngunit P2,500 lamang ang dala ni Maricel ng mga oras na iyon kaya nagpaalam itong uuwi at nangakong pagbalik ay dala na ang kabuuang halaga. Pagbalik ni Maricel, may kasama itong isang lalaking kamag-anak. Inakala ni Ballesteros at Gabaldon na ang kasama ni Maricel ay isang otoridad at sila ay ini-entrap, kaya mabilis nilang pinuslit papuntang korte si Redentor at agad na ipina-inquest.

Matapos ma-inquest, muling ibinalik nina Gabaldon at Ballesteros si Redentor sa kalaboso. Pero pagkatapos makapagsumbong ni Maricel sa WSR noong May 24, Martes, agad kaming kumilos. Nang gabi ring iyon, napakawalan si Redentor.

Ngayon, nahaharap sa kasong kriminal at administratibo sina PO1 Julius Ballesteros at PO1 Joel Gabaldon.

Ang WSR ay kasabay na napapanood din sa Aksyon TV, channel 41. Sa Sky Cable ang Aksyon TV ay mapapanood sa Channel 61 at channel 7 sa Destiny. Sa Cignal Cable naman ito ay nasa Channel 1.

Para sa inyong mga sumbong at reklamo, mag-text sa 0917-7-WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleMaroon 5, Rocks Manila!
Next article“Ligtas” na mga bansa

No posts to display