WRONG TIMING ANG pag-eere ng Moments (hosted by Gladys Reyes on Net 25) kung saan panauhin si dating Unang Ginang Imelda Marcos nitong Sabado, lalo’t laman nu’ng araw na ‘yon sa mga programa sa TV ang pagkamatay ni dating Pangulong Cory Aquino.
Tulad ng alam ng lahat, mortal na magkaaway sa pulitika ang kanilang angkan, si Cory ang bumuwag sa rehimeng Marcos taong 1986. But any nation’s history is never without the wounds that leave ugly marks.
Pero ‘ika nga, nakaraan na ‘yon, marami na tayong aral na natutunan kakabit ang pag-asa na bubuti ang ating bansa mula sa iniwan na ring inspirasyon ng tinaguriang Global Icon of Democracy.
MARAHIL, MASASAGOT NG isang numerologist ang numero tres (3) na bigla ko lang naisip na common in the life (and death) of Tita Cory.
Taong 1933 (January 25) siya ipinanganak, may bilang na 13 letra ang Cory Cojuangco at Corazon Aquino.
Sa ikatlong buwan (March) ng taon na-diagnose siyang kinapitan ng cancer of the colon. Trademark niyang kulay ay dilaw, ikatlo sa bahaghari (rainbow). Ganap na 3:18 ng umaga nang malagutan siya ng hininga sa edad na 76 (7 plus 6 equals 13). Puting numbers 2 and 1 together has a sum of 3, 21st of August 1983 ang petsa kung kalian pinaslang ang kabiyak niyang si Ninoy.
Sa tula rin ni Ninoy na nilapatan ng musika ni Jose Mari Chan, may linyang “I have fallen in love with the same woman three times,” patungkol kay Cory.
Anuman ang kahulugan ng numero tres sa buhay ng dating pinuno ng bansa, hindi lang niya ibinalik ang demokrasya. She was democracy herself like America’s proud Statue of Liberty.
ON A LIGHTER note,sinipot ng dating ST (sex trip) star na si Pamela Ortiz ang kanyang guesting sa Startalk nitong Sabado. Kumalat kasi ang text message from an anonymous sender na patay na ito, natagpuan sa likod ng kanyang bahay sa San Fernando, Pampanga. Ang suspek: dyowa nito.
Ang kaibigang Jobert Sucaldito ang unang nakatanggap ng text, nagkataong magkasama kami sa isang gimik one Thursday night at ipina-forward ko sa kanya ang message. Ipinaubaya na ni Jobert sa akin sa pamamagitan ng Startalk ang paggawa ng istorya, pero nauna rin niyang naianunsyo sa The Buzz ang tungkol du’n. In fairness though to Jobert, spreading false rumors was not his business; siya kasi at ang The Buzz ang naputukan.
To end all speculations, nagpaunlak si Pamela na mag-guest sa Startalk na naninirahan pa rin sa Naga, CamSur. Opo, buhay si Pamela… career lang niya ang natsugi.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III