BUKOD SA PAGIGING “Acoustic King” ni Nyoy Volante for 6 years, stage actor din ang magaling na singer-composer Katunayan nga, gumanap na siya as Seaweed Stubbs sa staging ng Broadway play na Hairspray. This time, he played the role as Emmel Forrest sa Atlantis Production’s Legally Blonde.
Nangarap ding maging direktor si Nyoy sa stage at pelikula. “Gusto ko behind the scene lang ako. I want all the technical aspect, theater and music video. Bata pa lang ako mahilig na akong magkutingting ng mga instruments. As a theater person, nag-OJT ako kay Monique Wilson, kumakanta-kanta ako habang nagwawalis sa stage. Akala ko walang tao, nandu’n pala sa isang gilid ng stage si Monique at nakikinig. Lumapit siya sa akin at kinausap niya ako. Sabi niya, ‘Kumakanta ka pala.’ Tapos nu’n isinaman niya ako sa maliliit na production nila, ganu’n. After that, I’ve meet a few people in the stage. Then, nagsimula na ako… I don’t plan this. Dumaan din ako sa Gantimpala,” wika niya.
Sa nakaraang concert ni Nyoy na Michael and Me, nag-pay tribute siya sa King of Pop na si Michael Jackson. Nang dahil du’n, nanalo ang singer/stage actor sa 2009 Aliw Awards for “Best Concert Performance Award”. Malaki rin ang pasasalamat ng binata sa Star Magic na malaki ang naitulong sa kanyang singing career.
“It’s such a blessing na maging Kapamilya. It’s just a smart move for an entertainer, singer ka or artista ka. I wish habang buhay na! Ha-ha-ha!” Sambit ni Nyoy.
Paano nga pala na-discover si Nyoy Volante? “Professionally, na-discover ako ni Vernie Saturno and offered me… parang pop songs lang. Kaso nga, hindi bumagay sa akin kaya hindi nag-work. Marami ang hindi nakaaalam na hindi ito ang first career ko, kaya lang hindi ako nakilala du’n. Actually, acoustic na ang ginagawa ko noong college, pero pang labas lang ng kulo. Hindi po siya pangtrabaho dahil ayaw ko pong kumanta. Du’n ako nag-click… ang akala ng marami sa acoustic ako unang nakilala,” pahayag niya.
Nasa grade school pa lang si Nyoy marunong na siyang kumanta at mag-compose ng songs. Mang-aawit kasi ang kanyang ama’t ina kaya pangarap nilang maging isang sikat na mang-aawit ang kanilang anak. “Actually, three years old pa lang ako, marunong na akong kumanta. Mga may songs akong ni-record ng Mama ko nu’ng bata pa ako, nasa casette tape po.
“Greatest Love of All ang unang song na kinanta ko na ni-record ni Mama. Si Mama talaga ang gustong maging singer ako. Ugali ko kasi, ayaw kong dinidiktahan ako, gusto ko sa akin mismo manggagaling na ito ang gusto kong gawin. Nag-piano lesson pa ako, dahil ‘yun ang gusto ng Mother ko, hindi agad ako natuto. Actually, ako ‘yung matigas ang ulo. Nu’ng nasa high school ako, mahilig na ako sa instrumento. Nauubos ‘yung atensiyon ko roon, kahit nu’ng nagsisimula na akong maging singer. I know how to sing but I really don’t like to sing… It’s just there’s something I really like to do pero… writing songs? Writing poems, mga grade five, grade six yata ‘yun in English. Marami akong hilig, mag-drawing, sculpture, mag-painting… more on faces, magbutingting na kung anu-ano. Mahilig akong magbasa ng Marvel Comics, ‘yun,” kuwento ng singer/composer.
Halos lahat ng instrument, kaya ni Nyoy paglaruan sa palad niya – mapa-drums, keyboard, piano, guitar, base. Year 2002 to 2004, kainitan nina Nyoy at Jimmy Bondoc as acoustic singers.
Right now, do you consider Jimmy as your rival? “That time, uso pa ‘yung acoustic… sa ngayon hindi na po applicable ‘yung term na ‘yun, kasi malayo na ‘yung art namin. Hindi na ako familiar sa craft niya,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield