ALMOST 3 YEARS ding nanahimik si Nyoy Volante tungkol sa issue ng pagkakautang ng kanyang mga magulang kay Nina. Nasaktan ang singer/composer sa naging pahayag ng ex-girlfriend na kahit piso ay hindi sila nakakabayad sa inutang na P1.4 million. This time, nagsalita na si Nyoy para bigyang-linaw ang lahat ang mga issue na ipinupukol sa kanya.
“Not for anything else, ang main concern ko lang po ‘yung mga sinasabi niya na ni-piso wala akong naibibigay sa kanya, it’s not true!” Diretsong sabi ni Nyoy. Ipinakita niya sa amin ang mga checks na in-issue niya sa pangalan ni Nina na ni-receive naman nito. Year 2008, P100,000 cash agad ang initial payment na personal ibinigay ni Nyoy kay Nina.
So, bakit nasabi ni Nina hindi sila nagbabayad? “‘Yun nga po ang gusto kong i-clarify. ‘Yung statement na hindi kami nagbabayad, hindi po totoo ‘yun because binabayaran namin talaga. Kumbaga, it’s push to the limit of pointing it out with the evidence. Madali ko pong maipi-present ‘yun, but again just to be clear, I’m here to say na hindi po totoo na hindi siya nababayaran. Actually, very minimal na lang ‘yung amount,” paliwanag ni Nyoy.
Ayon pa kay Nina, itinatanggi raw ni Nyoy na may utang ito sa kanya. “Ang sagot ko d’yan, bakit may ganitong bayad kung idini-deny ko? Ako siyempre, kaya kong i-deny dahil wala naman akong utang. This is not my case, puwede kong aminin. Puwede kong angkinin because my parents ang involved, but the thing is kung nagbabayad? Kung i-accept naming may utang o wala, kung binabayaran or something. At least man lang, settlement or what she need na kailangan niya from us, she’s getting it.”
Ano nga ba ang gustong palabasin ni Nina? In love pa rin kaya siya sa kanyang ex-boyfriend? Bakit pilit na binubuksan ang issue tungkol sa kanila ni Nyoy? “Hindi ko nga po alam, hindi ko maintindihan hanggang ngayon, ‘yun palagi ang lumalabas na issue.”
Sa mga tseke at cash na tinanggap ni Nina, lumalabas na small amount na lang pala ang balanse sa utang nilang P1.4 million. Gumigimik kaya ang dalaga para pag-usapan ang kanyang pino-promote na show. “I want to clear this up, this is not me, hindi ako ang may utang sa kanya. Actually, I’m just the third party… unfortunately, this is an issue between her and my parents. This statement, nanggaga-ling sa isang anak. I’ll do everything to help them out. It’s not necessary for me to say that in public pero I think it’s necessary to say it right now. Siyempre, I know how frustrated my parents are. Hindi naman puwedeng wala akong gagawin.Even though hindi ako ang involved or hindi ako ang mayroong money na kailangang ibayad.
Natural lamang ipagtanggol ni Nyoy ang kanyang mga magulang at bayaran ang pagkakautang ng mga ito sa acoustic singer. “Of course, sa akin nanggagaling ‘yun. Siyempre, parents ko ‘yun, sinong anak ba naman…? The thing is, darating at darating ‘yung panahon na ganito na I can always defend myself. That is why I never found it necessary to defend my self in the process kaya nga po sa pagkatagal-tagal na panahon, talagang tahimik lang ako about it. Kasi, nand’yan naman ‘yan mga figures. Nand’yan lang naman kaya lang last week may narinig na naman ako.
“It’s the same issue over and over again. Sabi ko nga, once and for all not to initiate anything. Sabihin na lang natin, una, hindi po ako, ‘yun nga my parents ko… I think it’s clear naman as far as everything is concern. Second nagbabayad, hindi kami nakaupo lang… Of course, I realized na hindi matatapos ito until fully-paid. Alam po nating lahat ‘yan, but I want also the people to realize the reason why it’s not fully-paid yet. It’s because nasa prosecutor’s decision, it’s not our decision anymore, kasi mayroon pang mga technicality na wino-workout sa kanila. Nasa fiscal pa lang, kung sa amin lang tapusin na natin right here, but the thing is maraming mga technicality na kailangan pang i-workout sa fiscal’s office. So, kung hindi pa tapos ito, hindi pa siya fully-paid, it’s because of the technicality it’s not yet… kumbaga, hindi na namin hawak kung bakit hindi pa tapos ito.
“Sabi ko nga, hindi matatapos ito hangga’t hindi fully-paid but it’s not our fault anymore. Sana, all future statements ‘pag nagkaroon na nang result from that. Tutal, sinagot ko naman kung nagbabayad o hindi, ayan nagbabayad, ‘di ba?”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield