ANG BILIS ng panahon. Parang kailan lang ay kakasapit lang ng bagong taon at ngayon naman ay malapit na muling mag-Pasko at bagong taon.
Tuwing sasapit pa lang ang buwan ng Setyembre o Oktubre, ramdam na ang Pasko sa iba’t ibang lugar, iba’t ibang pamamaraan. Ang iba ay nagpapatugtog na ng kani-kanilang paboritong mga tugtuging Pamasko at ang iba naman ay nagde-decorate na sa kani-kanilang lugar mapa-bahay man, eskuwela, opisina, at iba pa, na ating makikita tulad ng mga makukulay at magandang mga parol at ang iba ay nakabibilib dahil sa mga gawa nilang parol na recycled tulad ng mga parol na gawa sa maraming naipong plastik, mga gawa sa tansan, dyaryo o papel at iba-iba pang mga materyales. At nandiyan din ang mga nakatayo at naggagandahang mga Christmas tree at mga Christmas décor na mga sinasabit nila rito, at ang mga kumukuti-kutitap na iba-ibang mga kulay na Christmas light at iba pa.
Masasabi nga naman talaga natin na Christmas is in the air na, lalo na ngayong medyo nagbabago na ang ihip ng hangin dahil sa mga ibang lugar sa ating bansa ay lumalamig ang simoy ng hangin at lalo pang lumalamig tulad ng sa Baguio City.
Iba’t ibang hilig o tradisyon tuwing ber month’s o kapag nalalapit na ang Pasko. Ang iba sa atin ay hilig ang mag-night shopping sa iba’t ibang pamilihan, at bumibili na rin ng mga pang-regalo sa ating mga kamag-anak, kabigan, at iba pa. ‘Di rin mawawala ang pangangaroling ng mga bata tuwing gabi, iba’t ibang pamamaraan ng pangangaroling, ang iba ay gamit ang lata at tansan, ang iba ay naggigitara, at kung anu-anong instrumento. Pero kahit ano pa man ‘yan, nag-e-enjoy tayo at nakapagpapasaya tayo sa kanila, ‘yun ang mahalaga.
‘Di rin mawawala ang tradisyon na panonood ng Christmas on Display o ang tinatawag nila na COD sa Greenhills, Ortigas. Taun-taon ay may laging bago, bagong display, bagong tema, at iba pa na nagbibigay saya sa bawat tao. Pero saan at paano nga ba nagsimula ang Christmas on Display o COD?
Ang C.O.D Christmas Show ay play ng mga gumagalaw na mannequin na gawa sa mga kahoy. Noong 1960, ang pagpapalabas ng C.O.D Christmas Show ay sa Avenida pero ito ay nailipat sa Cubao nu’ng mga 1970s. Ang pagpapalabas nito ay nagsisimula sa pagpasok ng unang araw ng Disyembre at hanggang ika-6 ng Enero o ang Feast of Three Kings. Ang Christmas show na ito ay nakahihikayat ng mga maraming tao dahil ito ay mapapanood nang libre at maganda ang bawat tema na kanilang pinapalabas.
Unang pinalabas ang Christmas Show taong 1957 sa Avenida Rizal kung saan ay si Alex Rosario ang may-ari ng C.O.D na ito, kasama sina Berting Aguirre at Vivencio Dioneda. Nagsara ang C.O.D noong taong 1980s at ito ay nailipat sa Cubao noong 2004. Pero ang pagpapalabas nito ay hindi ganoong natutuloy kaya ang Greenhills Shopping Center ay in-adopt ang idea na ito na pagpapalabas ng C.O.D mula noong mga taon na iyon at patuloy pa rin na nagbibigay saya ngayon.
Ngayong 2014, ang tema ng Christmas on Display ngayon ay kuwento ng Unang Pasko. Kaya tara at ating saksihan ang magandang Cristmas show na ito.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo