MULA SA PAGI-GING loveteam sa numero unong teen show sa bansa, ang Tween Hearts, mukhang nauuwi na ito sa totohanan. Kaya naman daw mapa-on-cam o off-cam, tuluy-tuloy ang romansang namamagitan sa mga miyembro ng show.
Katulad nina Joyce Ching at Kristoffer Martin, na halos hindi napaghihiwalay during taping at kahit nga raw noong mahal na araw ay ka-join si Kristoffer sa outing ng pamilya ni Joyce at kitang-kita ang sweetness ng mga ito sa isa`t isa sa mga pictures na naka-post sa kani-kanilang FB account.
Habang nabigyan naman ng pag-asa si Jake Vargas nang bigyan ng go signal ng mommy ni Bea Binene na puwede nitong ligawan ang mabait at magandang young star kapag tumuntong na sila sa tamang edad. Pero ngayon daw ay trabaho muna ang atupagin nila.
Habang unti-unti namang na-giging close sina Hiro Magalona at Yassi Pressman sa taping ng kani-lang show. Balita nga namin, inuulan ng kantiyaw ang mga ito sa tuwing magsasama sa isang eksena mula sa kanilang co-stars at staff dahil alam ng mga ito na si Yassi ang latest crush ni Hiro. ‘Yun na!
BEAUTY AND BRAIN ang nagwagi sa katatapos at matagumpay na Mutya ng Taguig sa pangunguna ng butihin at magandang mayor ng Taguig na si Mayor Lani Cayetano, kung saan nagsilbing host sina Drew Arellano, Bianca Gonzales at Patricia Fernandez. Habang kay Kuya Boy Abunda naman natoka ang Question and Answer Portion ng pumasok na 10 finalists.
Nagwagi bilang Mutya ng Taguig ang kandidata ng San Miguel na si Karla Maris Lopez, habang runner-up naman nito sina Shedil Bagapor (Central Signal) – 1st runner-up; Camille Orbina (Fort Bonifacio) – 2nd runner-up; Criselda Catupay (Ususan) – 3rd runner-up; at Ancherina Banzon (Western Bicutan) – 4th runner-up.
Ilan sa mga nagsilbing hurado ay sina Daisy Reyes, Raymond Gutierrez, Liz Uy, Czarina Gatbonton, Rico Barrera, atbp. Nais naming pasalamatan si Mayor Lani Cayetano at kina Mr. Pio Laparan ng PIO, Gelo Villar na mula naman sa office ni Senator Allan Cayetano, at sa kaibigan naming si Ovette Ricalde sa magandang pag-eestima sa amin ng kami ay maimbitahan sa Gabi ng Mutya ng Taguig.
HAPPY AT NAG-E-ENJOY raw nang husto ang young star na si Bea Binene sa Captain Barbell, kung saan isa siya sa may powers along with Captain Barbell. Nagagawa raw kasing magamit ni Bea ang kanyang martial arts skills sa Captain Barbell sa mga fight scenes na ginagawa niya.
Dream nga raw nitong mabigyan ng show ng GMA-7 na may pagka-action-love story para naman daw mas magamit pa niya ang kanyang nalalaman sa martial arts. Kung siya nga raw ang masusunod, mas gusto niyang makilala sa action, kaysa sa drama, dahil mangilan-ngilan nga lang naman ang mga showbiz young stars na gustong mag-aksiyon.
Isa pa sa dream ni Bea ang maging Darna sa telebisyon man o pelikula, dahil maaksiyon daw ang role ng pagiging Darna sa dami ng fight scenes nito sa mga bad guys na kanyang nakakalaban. Kabog!
NAKOPO NG NEWS and Public Affairs Team ng GMA-7 at GMA News TV ang pinakamataas na antas ng ratings sa kanilang coverage ng Royal Wedding nina Prince William and Kate, sa pangunguna ng mga de-kalidad na newsmen na sina Jessica Soho, Connie Sison at Vicky Morales na mga nag-report ng nasabing historic event. Congratulations, Kapuso!
John’s Point
by John Fontanilla