HINDI NAGING madali para kay Ogie Alcasid mag-ober-da bakod sa Singko dahil sa dami raw ng demands nito kahit hindi na ni-renew ang kontrata niya sa GMA-7. Bago pa lang mag-expire ang contract ng singer/actor sa Kapuso network, nagparamdam na ito may balak siyang lumipat sa Singko. Hoping, ang tsika nga, malaki raw ang offer ng number 3 network kay Ogie. Ewan lang namin kung totoo ito o baka naman nilako lang ng manager niya na si Leo Dominguez.
Patapos na kasi ang kontrata ni Ogie sa GMA, hindi pa inaabisuhan sina Leo D. at Ogie para sa panibagong kontrata nila sa kanyang home studio. Hindi naman agad-agad gumawa ng aksiyon ang taga-Singko kaya’t inabot pa ng ilang buwan bago naayos ang lahat. Katuwiran nila, walang nagkakandarapa o naghahabol para kunin ang serbisyo ni Ogie, sila lang.
Ang balita, nagbaba raw ng presyo si Ogie para lang matuloy ang pirmahan ng kontrata sa Singko kasama si Regine Velasquez. Package deal daw ang dalawa, ayon sa aming source. Tatapusin lang ng Songbird ang contract niya sa Kapuso at join na rin siya sa kanyang asawa. As expected, may request pa rin ang alaga ni Leo D. Hindi na binanggit ng aming kausap kung anu-ano ang mga ‘yun. Nakakahiya nga naman kung hindi matutuloy ang pagiging Kapatid Network ng singer/comedian, wala itong masasabing home studio.
Tuloy, marami ang nagtatanong, bakit ni-let go ng GMA-7 si Ogie Alcasid ? Hindi na kaya siya kapani-pakinabang sa kanilang istasyon? Deadma lang ang mga big boss ng Kapuso Network nang makarating sa kanila ang balita. Ayaw nilang mag-comment tungkol dito. As always, palagi naman taga-salo ang Singko ng mga talent ng GMA-7 at ABS-CBN na hindi na umuusad ang mga career.
PERSONAL NAMING na-interview si Ceo Yasunari Okada (owner ng Movie Stars Café, MOA). MSC is the manila branch of an International Japanese franchise. Mala-Hollywood ang set-up ng ambience nito. Worth P100 million pala ang kabuuan ng Movie Stars Café. Iba’t ibang super heroes status from US ang naka-display all over the place. May performers every night, mala-broadway and live opera. Seven years nang naninirahan si Ceo dito sa ‘Pinas. He’s learning to speak Tagalog, Visaya and English.
Sina Kim Chiu, Xian Lim at Joyce Bernal ang first showbiz personalities na na-encounter ni Mr. Ceo nang mag-shooting sila sa Movie Star Café para sa pelikulang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? under Star Cinema. Pangarap pala ni Mr. Ceo mag-produce ng big budgeted movie dito sa atin. Pawang Pilipino at Japanese actors ang gusto niyang nasa cast.
Na-starstruck si Mr. Okada sa beauty ni Kim, malamang pasok ito sa multi-million budget for the film production ng Japanese businessman. Naka-emote na nga ang larawan nina Kim at Xian sa Movie Stars Café kasama ang photos ng Hollywood actors. May certain aura raw ang actress na wala sa ibang artista, ayon kay Mr. Ceo. Sa totoo lang, single pa rin siya, hanggang ngayon. Ganu’n?
“Seven years here in the Philippines, I’m learning Tagalog, Visaya and English, may tutor. This country is very nice. Halo-halo mall, five business. This Movie Star is my main business.”
Why did you put-up a show which is very expensive like Broadway? “I like opera.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield