TINANONG SI Ogie Alcasid ng press tungkol sa mainit na pinag-uusapan ngayon sa kanya at sa Pamilya Aquino na alam natin na very close sa kanya ang magkapatid na Kris at PNoy. Talk of the town kasi ngayon ang pag-unfollow at pag-follow back ni Kris sa kanya at sa misis na si Regine Velasquez sa Instagram.
“Hindi ko kasi alam kung in-unfollow ba talaga. I don’t know, eh. Nabasa ko na lang siya sa Twitter. Sabi ng ilang mga tao na hindi ko alam if it’s true,” pahayag ni Ogie.
Pero ang balita nga nag-follow back ulit si Kris after 12 hours, na hindi alam ni Ogie kung totoo nga.
“Ganito ‘yan, eh. Nu’ng malaman ko na may ganoon nga, tinext ko siya (Kris). Eh, siyempre, kumare ko naman ‘yung tao, ‘di ba? At alam ko naman na medyo kabi-kabila na ‘yung bira sa kanya. Sabi ko, ‘Mare, we’re praying for you, we’re praying for your brother also.’ ‘Yun lang”.
What about Regine? “Hindi naman sila nag-uusap. I don’t know if they have each other’s numbers, pero ipinarating ko kay Regine ‘yung message ni Kris.”
When asked kung mayroon ba silang tweets na mag-asawa na against sa gobyerno para maging dahilan para in-unfollow sila ni Kris, ayon kay Ogie ay wala naman daw.
“Wala, both of us did not tweet anything, puro kami ‘prayers for our Fallen,’ puro ganoon,” aniya.
Tinext din daw niya ang Pangulong Noynoy para ipaabot na ipagdarasal din niya ito. Pero naiintindihan din daw ni Ogie ang galit ng mga tao kay PNoy dahil sa hindi pagpunta nito sa arrival honors ng SAF Fallen 44.
“I understand kung saan nanggagaling ang galit ng mga tao. Talaga naman ‘yung pangyayaring ‘yun, sari-saring emosyon ang nararamdaman ng tao. Gaya nga ng sinabi ko, I guess this is how we are tested in our emotional maturity. How do we face up to times like these? Paiiralin ba natin ang galit? Okey lang magalit, tao tayo, eh. Pero kung magagalit nang magagalit nang magagalit, makakatamtan ba natin ‘yung hustisyang gusto natin? So, siguro, magpalamig tayong lahat ng ulo, muna,” pahayag ni Ogie.
Hiningi rin ng press ang reaction ni Ogie sa naging post ni Judy Ann Santos na naging dahilan para i-unfollow ang aktres ni Kris. Kaagad na tugon ni Ogie ay may karapatan naman daw si Juday na sabihin ang gustong sabihin.
“Everybody has a right to say what they have to say and knowing Juday and Ryan (Agoncillo), bihira namang magsalita nang ganyan ‘yan, eh. I’m sure, pinag-isipan din niya ‘yun. We live in a democracy, lahat tayo may karapatang sabihin ang nais nating sabihin.”
Pero aminado rin si Ogie na naging iba raw sana ang takbo ng pangyayari kung dumating si PNoy sa arrival honors for the Fallen 44.
“It would have been a world of a difference if he came and attended, that’s true. No words have to be said. His presence alone. But I have to say na the day after eh, he made up for it, when he talked to all the victim and saka ngayon tinatanggap niya ang galit ng mga tao. Nabalitaan ko na hindi raw siya pinansin ng mga sundalo. Reaksyon nila ‘yun, eh.”
Naging honest din si Ogie nang sabibin nito sa harap ng ilan press na dapat daw ay dumating talaga si PNoy sa arrival honors.
Ayon pa kay Ogie na sa kabila nito ay pinaiiral na lang daw nila ni Regine ang turo ni Pope Francis na dapat ay magkaroon tayo ng grace and mercy.
Alam din ni Ogie na marami pang kailangan gawin ang ating Pangulo at hinikayat niya ang lahat na tumulong na lang daw.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo