OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Pak na pak na naman tayo at more chikka, more fun na naman to the maximum authority of chikka!
Siyempre, pasabog na naman tayo sa mga chikka at maloloka ka talaga sa Earth, dahil ang ‘Ibang-iba ang Galing ng Pinoy’ song by Yeng Constantino, ginaya ang tema, binagalan lang ang version ni Ogie Alcasid at dinaan niya sa mga visuals. Ang point d’yan, ninakaw umano ni Ogie ang title ng song na ginamit niyang theme song ng ‘It’s More fun in the Philippines na si Lea Salonga ang kumanta. Binagalan lang niya, pero parehas ang title at lyrics na sinulat ni Jun Sta. Maria, isang magaling na composer ng ‘Sino ang Baliw? Na kinanta ni Mon del Rosario.
Kaloka si Ogie, presidente pa naman siya ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit). Malaking usapin ito, na gumagawa siya ng kanta na hindi niya pinaghirapan.
Kalurki, ikaw na!
ANOTHER CHIKKA naman itong maloloka ka talaga sa Earth dahil sa mga transgender na nakakawindang ang taas ng lipad, Hahaha!
At kung tatanungin n’yo ang opinion ko rito sa mga transgender na puwede nang sumali sa Miss Universe, it’s mortal sin or kabaliwan na ito. Mukhang sobra na ang ilusyon ng kabaklaan. Ano man ang gawin nila, lalaki pa rin sila sa mata ng tao at sa mata ng Diyos.
Lagi ko ngang sinasabi, tama na ang isang beki. Ibig kong sabihin, bakla na nga tayo, ‘wag na nating baklain ang ating mga sarili. May sarili na tayong beauty pageant like Miss Gay Universe. Ibig kong sabihin, hindi puwede maging women ang gays, mawawalan na ng credibility ang pageant na may kasamang transgender. Puwede pa Amazing Girl beauty contest.
Kung ako sa ibang bansa, tulad dito sa Pilipinas, ‘wag nang mag-join or magpadala ng representative sa mga international beauty pageant na may kasamang transgender. Para sa akin, kabaliwan na ‘yan ng mga katulad kong beki!
KAYA NAMAN for more chikka, more fun ay makinig na kayo sa bago kong programa under ng OLACHIKKA NOW NA MEDIA PRODUCTIONS sa DWBL 1494 KHZ. Kung gusto n’yo namang maki-chat sa amin, dwbl-am.mellow947.fm, siyempre kasama ko ang aking co-host, ang aking anak na si LADY CAMILLE, 4pm, Monday to Fridays. ‘Wag nang magpahuli sa mga maiinit na chikka at kadema-demandang blind items. Pak!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding