Ogie Diaz at Butch Francisco, ‘di nagpasilaw sa milyones ng mga pulitiko

Butch-Francisco-Ogie-DiazWITHOUT PANDERING (read: pagsisipsip), marami ang positibong nagkomento sa ipinost ng kaibigan at kumpareng si Ogie Diaz sa Facebook for turning down the offers of at least two senators para tulungan niya ang mga ito, publicity-wise.

Hindi binanggit ni Ogie ang kanilang mga pangalan nor the elective positions na nais nilang sungkitin sa 2016 elections. Pero tulad ng sumikat na TV commercial noon ng isang germicidal bath soap, mistulang nag-ala Rose ang alter ego ni Ogie na nagsilbing kunsensiya niya in jolting him to ask: “Ano nga ba ang nagawa sa bayan ng dalawang ito para tulungan ko?”

In an instant, nagkaroon din ng kasagutan sa tanong ni Ogie: waley!

Dahil dito, a thread of positive comments came with Ogie’s post, pinupuri siya sa kanyang prinsipyo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay pera-pera ang dapat pinaiiral most specially if one does not have faith in the political merchandise that he’s peddling in the market.

Dito ko rin hinangaan si Butch Francisco. Call him by any derogatory name, mapa-TV host o bilang tao. Pero mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang paniniwala sa taong kinabibiliban niya, and not for the money that he can easily milk.

Si Butch ang aming constant phone pal these days, patunay lang marahil sa kasabihang “Misery loves company” since we’re both displaced mula sa aming trabaho.

Tulad ni Ogie, minsan na ring in-offer-an si Butch ng isang pamosong pulitiko na tumakbo nitong 2010 sa isang mataas na puwesto. Hindi na namin babanggitin kung sino ‘yon, but a whopping P11 million—we repeat—eleven million pesos—was offered to him.

Aminado si Butch na wala siyang bilib sa naturang pulitiko, but he had to consult a friend para sa opinyon nito for reconsidering the candidate’s offer. Kalaunan, hindi rin sinunggaban ni Butch ang offer.

Five years later—ngayong nag-uusap na kami and rendered jobless—does Butch regret not having grabbed the offer, lalo’t nagpapagawa siya ng bahay at meron pa siyang mga scholar?

Sagot niya: NO.

In justifying his answer, sabi ni Butch: “With my present situation, I need to make adjustments. Although nu’ng mawala ang Startalk, I felt na parang pinagsakluban ako ng langit at lupa, I’m still hopeful na may bigla na lang trabahong darating. In life, Ron, it’s not all money.”

Instantly, it dawned on us na in more ways than one ay nagkakapareho pala kami ng ugali ni Butch, and yes, even ni Ogie Diaz.

Life is not all about money. May pera ka nga, kung ang prinsipyo o self-pride mo naman sa buhay ay niilunok mo na’t itinae mo pa, you’re just like a living dead.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleGloc 9, pinangarap na maging balladeer
Next articleGerald Anderson, two-timer kaya bine-break ng karelasyon?

No posts to display