BONGGA ANG kaibigang Ogie Diaz dahil for the first time, masasabing “bida” siya sa pelikulang Maybe This Time, ang unang tambalan nina Sarah Geronimo at Coco Martin sa direksyon ni Jerry Sineneng.
He plays Mama Mae, ang katiwala at nag-alaga kay Coco na nu’ng yumaman ay pinatira ng aktor sa bahay nito. Si Ogie aka Mama Mae, mas type na sina Coco at Sarah ang magkatuluyan kaysa sa sosyalerang si Ruffa Gutierrez.
Sa halos 44 movies ng kaibigang Ogie, itong pelikulang ito nila ni Coco at Sarah ang masasabi niyang biggest so far in his entire career bilang artista.
Kasi naman, lahat halos ng eksena ng dalawa, andu’n siya at kasama. In short, hindi lang siya back-up or supporting role dahil isa siya sa semi-bida sa pelikula kahit sabihin na pelikula ‘yun nina Sarah at Coco.
Sa katunayan, masaya siya dahil nagbubunga ang pangarap niya na makilala bilang performer, bilang isang artista.
Nagsimula bilang isang P.A. (alalay ni Cristy Fermin), naglakas-loob na maging movie reporter, Ogie has gone a long way. Ngayon iba na ang itinatahak niyang career. On the side na lang ang movie reporting niya. Mahirap daw kasi na isipin ng mga artista na nakakasama niya na mag-aalangan sa kanya.
“Sabi ko nga kay Sarah, huwag niyang isipin na reporter ako. Maging relax lang siya dahil kung artista ako sa isang project (TV or pelikula), artista ako, at hindi ko isinusulat ang mga nakikita ko o naririnig. Kaya hayun oks naman kami,” kuwento ni Ogie sa amin.
Kung maaalala pa, nagkaroon ng tila isyu between Mommy Divine and Ogie noon na nabura naman since nagkasama ang dalawa sa Maybe This Time ng Star Cinema na ipalalabas na come May 28.
Dagdag pa niya, “Laking pasasalamat ko kay Tita Malou Santos at Direk Jerry dahil ako ang first and final choice nila sa role na siyempre happy ako sa tiwala.”
Sa ngayon, todo-kayod si Ogina Vagina (tawag namin sa kanya) dahil naglalakihan na ang mga anak niya.
“Work to death ako, ‘teh. Malalaki na ang mga bata. Ang tuition fees nila magkano na, ang mga health insurance, idagdag mo pa,” kuwento niya sa amin over coffee kamakailan.
Reyted K
By RK VillaCorta