MUKHANG TRUE ANG chikang kumakalat na “pinopor-mahan” ni Enchong Dee ang “Clara” ng Mara Clara na si Julia Montes.
Nakitang magkasama sa isang dinner date sina Enchong at Julia, sa Belissimo restaurant in Quezon City, pero hindi lang naman sina Enchong at Julia ang nandoon, kundi kasama rin si Kathryn Bernardo, na siya namang “Mara” sa sinasabing “mother of Pinoy teleseryes” na magkakaroon ng bonggang-bonggang finale this week sa ABS-CBN.
Ang chika pa, napailing daw itong si Enchong nang may makitang member ng press na andu’n sa resto, pero ano pa nga ba ang magagawa niya, eh public place ang nasabing resto. Pero sa presscon ng Mara Clara a few days bago ang nasabing dinner nila, eh may-I-tanggi si Julia na nanliligaw si Enchong sa kanya.
Well, puwedeng magsimula ang lahat sa friendship hindi ba? Malay natin na ang tipo pala ng babaeng trip ni Enchong ay ang tulad ng personality ni Julia.
At any rate, maya-maya ay dumating din si Diego Loyzaga, anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, na kasama rin ng tatlo sa Mara Clara.
Ang link marahil, kaya sa Belissimo sila nag-dinner ay dahil pagmamay-ari ang nasabing resto ng dad ni Diego na si Cesar. Tumabi rin daw itong si Diego kay Kathryn, pero ayaw bigyan ng malisya ng source ang pagtabing ‘yun dahil magkakaibigan lang daw ang lahat.
SPEAKING OF KATHRYN Bernardo, natutuwa kami sa young actress na ito dahil at her very young age eh, ang daming Pinay na bagets ang nakaka-relate sa kanya. Very Judy Ann Santos ang kanyang aura o charisma, noong nagsisimula pa lamang ito.
Kung kaya’t mukhang true rin ang nasagap naming after the successful remake of Mara Clara (pinasikat nina Juday at Gladys Reyes), may balitang next in line na gagawin ni Kathryn na teleserye ay ang remake naman ng… dyaraann, Esperanza ni Juday, huh!
Last week pa namin narinig ang chikang ito na bagong Esperanza na raw itong si Kathryn. Ang nasabing serye ay isa rin sa pinakamalakas na serye ng Dos, kung saan maraming Pinoy ang nagmahal sa alaga ni Tito Alfie Lorenzo with that series.
Wala pang pag-amin ang namutawi sa mga labi ni Kathryn kung sa kanyang mga palad na nga mapupunta ang said remake, basta’t ikagagalak daw niya if ever ABS-CBN management decides on this soon.
Ang alam nami’y nagmi-meeting na ang top execs ng Kapamilya Network kung kaninong business unit ang hahawak ng bagong Esperanza.
TANGGAP AT INA-ACKNOW-LEDGE ni Marian Rivera na siya ang Reyna ng GMA o Primetime Queen, at wala na itong kiyeme sa pagsabing, ‘Hindi naman po siguro, at marami naman kami rito’ na karaniwang sagot ng ibang aktres.
Pilot episode tonight, May 30, ng kanyang Amaya, ang sinasabing biggest and most expensive epic-serye in the history of Philippine Television, at ito nga ang muling pagpapatunay na wala nang ibang puwedeng tawaging Reyna ng Siyete – kundi si Marian.
“Wala naman po sigurong kokontra,” say ni Marian bilang reaksyon sa bansag na Reyna. “Pinaghihirapan ko ang lahat ng ginagawa ko nang walang alinlangan.”
Kahit ang boyfriend nitong si Dingdong Dantes ay super-proud sa Amaya ni Marian. Ang say naman ni Direk Mac Alejandre, kumbaga sa laruan, binigyan siya ng Kapuso Network ng hindi lamang dream toy, kundi isang Disneyland.
Kasama rin sa Amaya sina Sid Lucero, Glaiza de Castro, Lani Mercado, Gina Alajar, Dion Ignacio, Sheena
Halili, Mon Confiado, Rochelle Pangili-nan, etc.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro