On leave with her soap opera: Amy Austria was confined in a hospital

IN TWO DAYS, dalawang balita ang pinag-usapan tungkol kay Iwa Moto. Una, ang kanyang pagwawala dahil sa problema nila ng dating nobyo, na sinundan ng kanyang suicide try through overdose. One incident plus one incident equals loss of work.

Masisisi kaya ang production staff ng isang sitcom sa GMA kung tuluyan na ni-lang tinanggal si Iwa sa cast (even if she started taping several scenes, pero hindi naman natapos) sa takot na baka may pumangatlo pang insidente ng luka-lukahan ng sexy actress?

Hindi tuloy namin maiwasang balikan ang bold era noong dekada otsenta that produced quite a number of promising boldies plucked from nowhere, pero dahil sa maling diskarte sa buhay—that included their stormy lovelives—hayun, their stars faded out even before they began to shine.

Thirty years later, we see remnants of the past. Ito na nga si Iwa who does not seem to be in control of herself. Her distraught mother could only wish na hindi na raw sana nag-artista ang kanyang anak, unlike when they used to live simpler yet happier times back in their Las Piñas home.

Marami ang dapat ipanghinayang ni Iwa, the career opportunities to top it all, na maaaring isa-isang mawawala if she does not pick up her brains scattered on the ground. Huwag niyang hayaang umikot ang kanyang buhay sa kanyang dyowa.

Maanong bigyan niya ng bagong kahulugan ang kanyang K.E.P.S… as in to develop a Keen Empowerment in Pursuing Stardom!

KUNG REGULAR KAYONG sumusubaybay ng Minsan Lang Kita Iibigin (tulad ng inyong lingkod), wala sa ilan nang mga tagpo si Lora/Nora played by Amy Austria. Sa kuwento, pinalabas na itinago siya ni Tomas/Ber-nabe (Tonton Gutierrez) to elude military crackdown.

But truth is, nagpapagaling pa si Amy who came from a 22-day hospital confinement, kung saan sumailalim siya sa hysterectomy. Although she’s awaiting full recovery at home, gustuhin man niyang mag-taping uli ay hindi puwede upon her doctor’s advice.

Ito ang dahilan kung bakit may ilang pagbabago sa mga pangyayari sa MLKI, tulad na lang ng eksenang sumbatan sa pagitan ng dating mag-asawang General Sebastian (Ronaldo Valdez) at Remedios/Elena (Boots Anson-Roa) when originally, the scene should have intensely involved Ronaldo and Amy (father and daughter).

Dahil ang manager ni Amy ay si Lolit Solis, the latter is now the receiving end of incessant barrage of “ngarag” calls from the MLKI production staff as to when her ward can resume work. Kuwento ni  ‘Nay Lolit: “’Day, umabot na sila sa puntong para na lang magkaroon ng closure ‘yung kuwento ni Amy, eh, payag na silang kunan ‘yung mga eksena sa mismong bahay ni Amy. Hitsurang ‘yung isang lugar du’n, eh, pagmumukhaing bodega ng mga production designer para kunwari, eh, du’n itinago ni Tonton si Amy!”

Hindi kasi dispensable ang role doon ni Amy who will end up reunited with John Estrada (Joaquin), at kapwa matitigok sina Lorna Tolentino at Tonton. As a result of Amy’s leave, hu-maba pa tuloy ang taping schedule ni Tonton, na alaga rin ni ‘Nay Lolit.

WALA NANG BUKAMBIBIG si Melanie kundi “Ang baho!” patungkol sa lugar ni Fely, kaya nang magpanting ang tenga ng huli ay binuhusan niya ng tubig ang talakerang laiterang kapitbahay. Hindi kinaya ng powers ng barangay ang alitan ng dalawang hitad kaya umabot na ang kaso sa pulisya.

Ito ang isa na namang katsipang kuwento ng Face To Face ngayong araw ng Miyerkules na Sigang Kapitbahay, Binuhusan Ng Tubig Ang Talakerang Nanay!

Abangan naman bukas, Huwebes, ang Dalawang Babae Nasapul… Sabay Nabuntis Ni Dagul At May Babae Pang Nauulol! Nakembular ni Dagul ang magkaibigang Rossel at Yuri na sabay nagbuntis. Ang nakakaloka, dahil halos sabay ring manganak ang mga hitad ay hindi alam ni Dagul ang mga neymsung ng mga bagets. Enter frame naman ang bagong ka-live-in ni Dagul na si Grace na handang ipaglaban ang kanyang pag-ibig sa astig na buntisero.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMga presong nakatambay sa labas ng mall
Next articleBukang-liwayway (2)

No posts to display