SA TOTOO lang, bongga ang bagong pelikula ni Sarah Geronimo na Unforgettable directed by Jun Lana dahil all-out ang suporta sa kanya ng mga kaibigan niyang artista at sa mga gusto siya makasama sa pelikula.
Di nga ba’t for the first time ay wala siyang leading man kundi ang aso na si Milo (aka Happy) na suportado ang Pop Princess ng mga bigatin with the likes of Regine Velasquez, Tirso Cruz III at Cherie Gil.
From an insider, bukod sa mga nabanggit na mga celebrities, may mga nag-cameo din sa pelikula na mae-encounter ng singer-actress along the way sa paglalakbay niya at adventure patugong Baguio City para puntahan ang Lola Olive ni Jasmine (karakter ng Pop Princess sa pelikula) na maysakit played by actress Gina Pareno.
Sa mga fans ni Sarah, gusto lang ipaalam ni Direk Jun Lana na special request pala ng singer-actress ang hindi pagkakaroon ng leading man sa pelikula for the first time.
“She requested na huwag na lang muna for this film.. Iba kasi ang role niya at kuwento ng movie.” sabi nito.
Tutal, hindi naman romcom ang pelikula, might as well maiba naman for a Sarah Geronimo starrer.
Sa katunayan, impressed si Direk Jun sa ipinakita ni Sarah sa kanya. “She’s very cooperative. Hindi siya primadonna.
“She’s very down to earth. With her stature, marunong siya makisama kahit sa pinakamaliit na trabahador sa produksyon,” kuwento pa ni Direk about the star.
Kung tama kami, pangalawang pagkakataon na ito for Direk Jun na makapag-direk ng aso. Yes, as in dog.
Sa pelikulang Bwakaw na bida si Eddie Garcia ang una (as far as I can remember) na humakot ng mga award locally ang internationally at pangalawa nga itong pelikula ni Sarah na aso din ang idinidirek niya. Si Milo ang kapareha ng Pop Princess na Happy ang pangalan sa pelikula na sabi nga, mata-touch ang mga puso ng mga tao na mahihilig sa mga aso.
Bukas, Monday October 21 ang red carpet premiere ng pelikula at sa Wednesday, October 23 naman ang regular showing sa mga sinahan nationwide.