PAGKATAPOS NIYANG MAG-HOST ng sarili niyang album launch, for Complicated na ipinamamahagi ng Star Records at mainterbyu na siya ng lahat ng TV crew at press, at saka umupo sa amin si Gretchen Barretto.
Pinansin namin ang sabi rin ng ilang kasama naming parang pagiging ‘lutang’ niya.
“It must be the allergy pills I’m taking. Nag-start ‘yon when I went to Cebu two years ago. Meron akong naamoy na something in the hotel we were billeted eh, never pa naman ako nagkaroon ng allergy sa buong buhay ko. ‘Yun ang tine-take ko, allergy pills. It was Donna Cruz’ husband, Dr. Yong Larrazabal, pa nga who attended to me that time dahil namaga talaga ang mukha ko at akala ng mga tao, nag-iinarte na naman ako nu’ng ayaw kong lumabas nung event na. ‘Kakahiya nga dahil everybody was there.”
Inamin din niya na ang status niya ngayon eh, wala lang-as in, legally single. Kaya, usisa naman kami tungkol sa kanila ng live-in partner niyang si Tony Boy Conjuangco, dahil nang kantahin niya ang “Someone That I Used To Love,” kay TC niya raw ito dedicated?
“Whether we like it or not, it really is complicated. I just cannot go into the details. May mga bagay lang talaga na hindi puwedeng ikuwento. At may mga bagay rin na hindi na dapat pang ipilit. Hindi na simple ang buhay ko compared sa noon. Although it cannot be compared naman in that way. It’s totally different.”
Mahirap ba ang maging isang Gretchen? ‘Yung maganda, mayaman, maraming intriga?
“Ang pagiging maganda is just a state of mind. Masaya namang maging Gretchen. Lahat naman ng buhay natin complicated. It’s your choice. Nasa sa ‘yo ‘yun. It really is your state of mind. ‘Yun nga lang, being Gretchen, mas may mabibili ka,” at humagalpak ito ng tawa.
Kaya ba, kaya mo rin daw magpasara ng isang store in Greenbelt kapag may bibilhin ka?
“Hindi totoo ‘yan. Sila mismo ang nagsara ng pintuan ng store dahil dumami na ‘yung mga tao. And besides, mali ‘yung lumabas dahil ibang store ang sinabi nila. I was in a watch store that time. I was really upset when that came out. Pero ako pa, I don’t care! At wala namang one hundred thousand worth na product sa store na ‘yon.”
Imbes na mabawasan, lalo pa ‘atang nadadagdagan ang mga so-called ‘urban legends’ about Gretchen. ‘Yung elevator scene sa isang building na pag-aari ng pamilya ni TC, ‘yung pagwo-walk out ng isang socialite dahil sa presence niya at marami pa.
“Yung elevator issue na ‘yan na may pinalabas daw ako, not true. Ang tagal na niyan. But I don’t blame them. Eh, pag may nag-grand entrance naman, talagang magwo-walk out ako.”
At may isa pang kelan lang kumakalat. Dahil may bagong apple of the eye daw ang kanyang TC – isang beauty queen at malamang magkaroon ng show sa TV5.
“That’s impossible!” Bulalas ng La Greta. “Not at my expense. I don’t even know that girl. Ayokong isipin.”
And the album? Yes, she sings her heart out daw when she’s down and depressed.
Na naman? Ikalawa na ito, ‘di ba?
IF YOU’VE GOT time, may pakulo ang mga alaga ni Allan K. sa Zirkoh sa Greenhills at Klownz Quezon Ave. ngayong Biyernes at Sabado, called “Impersonata: Debate ’09…Not Once…But Thrice.”
Grupo ng mga impersonators ito na kinabibilangan nina Gie Kinis (Becky Bilo-Bilo), Arnell Tamayo (Jamby Marangal), Romel Chika (Kuya Boy Abundance), Ador (Michelle OBumbshell), Petite (Jessica Joho), AJ (Madama Gloria Arayko), Nikki (Kopra Winfree) at Willy Jones (Aling Dyonisia Pakyaw) na ididirihe ni Phillip Lazaro.
The Pillar
by Pilar Mateo