ISA AKO sa nakapanood ng On Vodka, Beers, and Regrets sa celebrity premiere ng pelikula last Moday evening na isinagawa sa Ortigas Cinema sa loob ng Estacia Mall sa Pasig.
May magandang track record na ang tambalang Bela Padilla at JC Santos na nagsimula sa pelikulang 100 Tula Para Kay Stella na walang nakapagsabi na maghi-hit ang pelikula at magkakaroon ng ‘cult’ following ang tambalang Bela-JC.
Sapul ng mga pelikula nila ang gusto ng mga kabataan, lalo na ng mga millennials reason kung bakit patok na patok sa takilya ang mga pelikula nila.
I love the film of Direk Irene Villamor of the Camp Sawi, Sid & Aya and Meet Me in St. Gallen fame. Alam niya kung saan kikilitiin ang manonood nya. Alam niya kung ano ang gusto ng manonood ng mga movies niya.
Nalungot ako sa karakter ni Jane played by Bela na lulong sa alcohol dahil sa mga mapapait na karanasan at problema sa kanyang buhay. Hindi ko inaasahan ang sub-plot ng pelikula kung bakit nasadlak siya at ganun ang kuwentong buhay niya nakadalasan, may ganung pangyayari sa buhay ng ilang mga artista.
Si JC naman ay isang musikero na si Francis. Siya ang superman sa buhay ni Jane na nagmamahal at magmamahal sa kabila ng sakit na dulot sa pagmamahal niya at inaasam na pagbabago.
Sa mga nakaraang movies ng tambalang Bela-JC, hindi masaya ang ending ng ng mga kuwento ng mga pelikula nila. This time, may pag-asa sa tunay na pag-ibig.
Sarap ng feeling kung may nagmamahal sa ‘yo na ang alay ay ”unconditional love”.
Ikaw ba ay nagmahal, nagmamahal? I suggest the film to watch this weekend. Sa magkarelasyon, sa mga in love, sa na-in love at para din sa magkakabarkada. I’m sure may appeal ang pelikulang ito sa inyo.
Bongga ang On Vodka, Beers, and Regrets. Wagi na naman sina Bela at JC. Waging-wagi na naman ang Viva Films.