MONDAY lang ito nangyari. Isang young actor ang may cameo role sa isang pelikula. Pinaghandaan ang kanyang paglabas, dahil siyempre, sikat si young actor ngayon. Ang role niya sa pelikula ay isang angel.
Pero dahil hunky-hunky naman at papalicious namang talaga ang kanyang dating, kailangang makita ang kanyang katawan, kaya may pakpak siya, pero naka-topless. So, naka-pants pa rin siya no’n, ha?
‘Eto na. Nu’ng malaman ng bagets na magta-topless siya, tumanggi siya. Puwede naman daw nakasando, ba’t kailangang mag-topless? Sa loob-loob ng mga staff, “Juice ko po, kung ganyan lang kaganda ang katawan namin, pinagbanduhan namin ‘yan, ‘no! Ang ganda-ganda ng katawan, ba’t mahihiya?”
Pinilit din ang bagets, pero nakikiusap ito na ‘wag nang mag-topless. Nakarating ito sa direktor. “Ah, ayaw ba niyang mag-topless? Sige, sabihin n’yo sa kanya, umalis na siya at hindi ko siya kailangan sa pelikula ko.”
Nakarating din ito sa bida, “Nako, ha? Ang daming nagkakandarapang mag-guest sa pelikulang ito, tapos, siya, hindi naman magpapakita ng nota, nag-iinarte nang ganyan? Kumuha na lang tayo ng iba. Ang daming artistang walang trabaho, ‘yun na lang ang kunin natin!”
‘Eto na ang eksena sa tent (‘yung pinaka-dressing room), pumuputok na ang labi sa kakakagat sa tensiyon at hiya ang bagets. Hindi alam kung ano ang gagawin, dahil parang pusang ‘di maihi sa nerbiyos na baka pag nakita pa siya lalo ni directed by ay makarinig siya ng maaanghang na salita.
Kami naman, ang inisip namin, hindi kaya feeling ni bagets ay may konti pa siyang fats or may sugat siya somewhere sa kanyang body, kaya ayaw niyang mag-topless that time? Kung gano’n, sana, inamin na lang niya, kesa umarte pa ng gano’n, ‘di ba?
Hay, naku… kung totoo man ito, positive pa naman ang nangyayari sa kanyang career kahit pa negative ang kanyang name. Sana lang, makabawi ang bagets na ito bago siya maikasal.
(Ogie Diaz)