EXCITED NA ibinalita ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta na entertainment press na magkakaroon siya ng online show either ngayong January or February ng 2020.
“Yon na kasi ang uso ngayon kaya kailangan nating sumabay. Gagawin ko rin yon para mas mapalapit ako sa ating mga kababayan,” wika ni Atty. Persida.
Hindi naman idinetalye ng abogada kung ano ang magiging format na kanyang online show. Pero I’m sure, may kaugnayan ito sa mga batas at sa sirbisyong ibinibigay ng PAO para sa mga kapus-palad na Pilipino.
Samantala, ikinalulungkot pa rin hanggang ngayon ng PAO chief ang ginawang pagtanggal ng Malacanang sa kanilang forensic lab budget. Ayon pa sa kanya, ang ginawang pag-alis ng budget sa kanyang ahensiya ay hindi raw makatarungan.
Tama naman ang abogada kasi dahil sa nangyari saan pa dudulog ngayon ang mga taong naghahanap ng katarungan lalo na yung mga can’t afford na biktima looking for justice.
She also cited about the dengvaxia victims na patuloy na nadaragdagan. Paano pa raw malalaman kung ano talaga ang dahilan ng kamatayan ng kanilang kamag-anak kung mawawala ang PAO Forensic Laboratory na sumusuri sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng isang tao.
Pero sa kabila ng mga pangyayari ay positibo pa rin si Atty. Acosa na ibi-veto pa rin ni Pangulong Duterte ang budget para sa kanilang forensic lab dahil alam naman niyang ang puso ng pangulo ay para sa mga mahihirap.
Samantala, naninindigan si Atty Acosta na hindi niya priority ang tumakbo sa public office sa susunod na eleksyon kahit pa maraming kumukumbinse sa kanya. Katwiran niya, puwede pa rin naman daw siyang magserbisyo-publiko kahit wala siyang posisyon sa gobyerno.
“Puwede naman ako makatulong sa ibang bagay. Puwede naman akong mag-serbisyo publiko kahit wala akong posisyon,” rason pa niya.
Well, sa 2022 pa naman ang next election at puwede pa ring magbago ang isip niya, so let’s just wait and see.