UMABOT SA second week ang showing ng pelikulang “Meet Me in St. Gallen” na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla under the direction of Irene Villamor (Destined to Be Yours, Camp Sawi). Marami ang naka-relate sa makatotohanang kuwento ng chance encounters ng dalawang taong in love sa isa’t isa pero palaging mali ang timing. Ito ang klase ng hugot movie na hindi masyadong malalim, pero mapapaisip ka sa mga “whats ifs” mo sa buhay.
Unusual ang pairing nina Carlo Aquino at Bela Padilla dahil ni minsan sa TV ay never sila nagsama. Si Bela ay suwerte dahil sa magandang connection na nakuha niya at aminin na natin – ang ex-bf niya na si Neil Arce ang co-producer ng mga nauna niyang proyekto kaya ito ang naging daan kung bakit napansin siya ng mga tao at sunod-sunod ang mga raket niya ngayon. Kahit pagdating sa scriptwriting ay malaki ang naitulong ng kanyang ex.
Si Carlo Aquino naman ay napatanong ng “bakit ako?” nang ialok sa kanya ang papel bilang Jesse Abaya sa pelikula. Hindi man ito katangkaran at baby face pa rin, hindi maipagkakaila na nakakakilig pa rin itong tingnan onscreen. Ideal man talaga ang peg niya. Ang sarap dyowain!
More than one year nang hiwalay si Bela sa kanyang ex-boyfriend at tila hindi natuloy sa totohanan ang sinimulan nilang love story ni Zanjoe Marudo. In short, nganga si atehgurl.
Si Carlo Aquino naman ay umamin na wala na sila ng girlfriend niya for six years. Hindi man niya ni-reveal ang rason, malinaw na single siya ngayon. Ito ang naging hudyat para humopia ang mga fans nila ng isa pang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, na ngayon ay isa sa mga best friends ni Bela Padilla (along with Kim Chiu).
Hindi namin alam kung promo, pero sa Twitter ay nagkakayayaan sina Carlo at Bela na panoorin ulit ang pelikula nila. Sa latest tweet ni Carlo, ang sabi nito ay “Celeste @padillabela sa social media na lang kita iistalk”.
Ayon sa narinig namin, just like “Mr. and Mrs.Cruz” nina JC Santos at Ryza Cenon na pinalabas last month ay kumita naman ang “Meet Me in St. Gallen”. Hindi nga lang ito masyadong umariba sa takilya like “100 Tula Para Kay Stella”, pero marami rin naman ang nanood. Dahil sa pagpasok ng “Sin Island at “My Fairy Tail Love Story” sa araw ng mga puso, kailangan nina Carlo at Bela na lumaban para bigyan ng madlang pipol ng pagkakataon ang kanilang pelikula.
Teka… bakit hindi na lang ligawan ni Carlo si Bela for real? Bagay naman ah! Naku, galaw galaw na baka puro “What ifs” din kayo dyan kung hindi niyo bibigyan ng chance ang isa’t isa.