OPEN FOR ENTRIES: PISTA NG PELIKULANG PILIPINO 2018

FDCP Chair Liza Dino

LAST YEAR, bongga ang feedback ng project ng Film Development Council of Philippines (FDCP) na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) dahil bukod sa malaking suporta ng mga taga-industry lalo na ng publiko, susundan ng PPP itong 2018 na magsisimula from August 15 to 21 na lahat ng mga sinehan sa buong Pilipinas ay magpapalabas ng mga pelikula na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino.  

Sa pakikipagtulungan ng mga local theater owners, walo (8) na pelikula ang magkakaroon ng Philippine premiere sa PPP.

“Ang PPP ay buong pusong tinanggap ng mga manonoood noong nakaraang taon at naniniwala kami na ang industry event na gaya nito ay dapat lang ulitin ngayong taon. Nakita nating nagsama-sama ang mga Pilipino upang suportahan ang sariling atin at napasaya natin sila sa mga de kalidad na pelikula,” pahayag ni FDCP Chairperson at CEO Liza Dino sa meeting niya kasama ang mga producers noong Abril 4, 2018 sa Salu Restaurant sa Quezon City. 

Lahat ng tao ay looking forward sa PPP 2018 at talaga namang ginagawa namin ang aming makakaya upang maging mas matagumpay ito ngayong taon.

“Ang PPP ay isang pagkakataon para sa mga producers na mapahusay ang kanilang karanasan at matuto pa sa loob at labas ng industriya mula sa marketing, sa booking, at distribution ng kanilang mga pelikula,” dagdag pa ni FDCP Chair Liza.

Film producers at the PPP meeting

Ang PPP 2018 ay bukas sa lahat Pilipinong producer na may natapos nang pelikula at maaaring magpasa ng higit pa sa isang (1) entry sa ilalim ng mga sumusunod na criteria:

A.         The film should have themes reflective of the Filipino sensibilities and culture  with wide audience appeal. 

B.         The film should have been produced from 2017-2018.

C.         The film must have its Philippine premiere during the Pista ng Pelikulang    Pilipino and must not have been previously shown in any format in the country. Films which premiered internationally are eligible.

D.         The film should have a minimum of 75 minutes and a maximum of  180 minutes in length.

E.         The film must be submitted with English subtitles.

F.         The producer must have a distributor.

G.         The producer must have a marketing plan ready in the event of selection.

Tatanggap ng entries ang FDCP simula April 20 hanggang June 15 sa mga interesadong sumali.

For additional information, please contact FDCP for details.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleLA SANTOS, kinaiinggitan ng mga baguhang singer!
Next articleSA KANYANG FIRST MAJOR CONCERT: Ian Veneracion, may pasabog!

No posts to display