SI ORLY Ypon na kilala sa tawag na ‘Pisyong’ ay isang realist artist painter na galing sa Toledo, Cebu. Noong bata pa siya, hindi niya akalaing magiging isa siyang mahusay na painter. Sa edad na 17, iniwan niya ang buhay sa probinsiya upang makipagsapalaran sa Maynila. Siya ay nagmarka at nahubog sa larangan ng kayang piniling propesyon at talento. Kumuha siya ng kurso upang maging isang pintor sa UP College of Fine Arts matapos ang undergraduate studies sa Architecture sa Cebu.
Kilala sa kanyang kahusayan sa ilang art contest sa Visayas at Metro Manila, noong 2001, nasungkit niya ang 1st prize sa National On-The-Spot Painting Competition ng Art Association of the Philippines. Higit dito, itinuring siyang isang Hall of Famer ng Petron National Art Competition sa kanyang pagkapanalo Grand Prize ng taong 2001 sa “Ober ober” at noong 2004, sa “Pamaling”. Sinundan pa ito ng isang prestihiyosong award sa GSIS Art Competition bilang 2nd price sa entry niyang “Ahon”. Hanggang sa nasundan pa ito ng maraming awards, kung kaya’t noong 2011 ay ginawaran siya ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ng Ani ng Dangal Award.
Para sa mga kritiko ng arts, malaki ang impact sa publiko ng tradisyonal na tema ng mga likhang sining ni Orly na nilapatan ng makabagong strokes at estilo na nagpapakita ng malalim na pagpipilian ng mga paksa at komposisyon.
Tinanong ko siya kung paano niya naisip ipinta ang kanyang mga tema na may pagka-social realism. Dahil ba ito sa pagmamahal niya sa bansa? Or iniisip ba niya na kung magsasalita siya ay huwag na lang kasi hindi naman siya media, or gawin lang niya at hayaan na ang paintings na lang ang magsalita?
“In-interpret ko ‘yung bansa natin. Kasi struggle ‘yung bansa natin, lalo na sa mga kabataan, ligaw, ligaw talaga. Grabe! Katulad ‘yung sa drugs at iba pa,” tugon ni Orly.
Kailan mo naisip ipinta ang tema mo? “Ah, 2007-2008.”
Pero yung estilo mo dati, hindi pa masyadong mahal? O figurative ka lang talaga? Paano mo siya ikukumpara sa iba?
“Ay, ako rin hindi nagdya-judge. Ma-judge ko lang ang artist kapag hindi siya seryoso sa pagpipinta niya. Pero kapag ang artist, ang puso niya nasa canvas niya, mahusay na artist ‘yun,” dagdag pa ni Orly.
May asawa ka na? “Wala pa, binata pa.”
Bakit? “Ah, hindi ko pa nakita ang asawa ko, eh.”
Pero kahit binata ka, sinusubukan mo na rin sigurong tumingin sa labas. Ilan taon ka na? “42.”
Ah, hindi mo ba naiisip na sana magkaanak ka na? Kasi para kung sakali, maisalin mo ito sa mga anak mo. “Ah, apat ang anak ko.”
Iba-iba? Hahaha! Pabirong tanong ko. “Oo.”
Grabe! Ah, mabait ka kasi, hehehe.
Nabangit ko na sa Cebu, ang nasa isip ng mga tao roon ay kung hindi musika ay art. Kaya tinanong ko siya na paano at sikat na siya rito sa Maynila ay papaano kung babalik na siya sa Cebu?
“Ay, okey naman kung babalik ako. Ako, sa art ko, kung nasaan ang art ko, doon ako, happy ako roon. Doon tayo makake-create ng maganda, kasi may freedom, eh. Ah, oo maraming nakapila, pero kung sino ang masipag at maluwag ‘yun ang mauuna.”
Ang kanyang binabangit ay ang kanyang mga collectors. Palabiro rin itong si Orly kaya nauwi kami sa tawanan habang kinukunan ko siya ng pahayag tungkol sa kanyang talambuhay. Maganda ang usapan naming at tawanan kaya naisip ko na bigyan ito ng ikalawang yugto.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Email: [email protected]; cp: 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia