IBA PA RIN ang friendship sa showbiz.
Sa isang recent political campaign sa Ormoc City na balwarte ni Mayor Richard Gomez, naimbitahan sina Robin Padilla at Philip Salvador to grace an event.
Ang dinaluhan nila ay ang kampanya ng kalaban ni Mayor Goma.
Sa text ni Kuya Ipe kay Mayor Goma: “Dito kami sa gymnasium, puro kalaban nyo pala ito. Yung kalaban mo katabi ni Binoe siniraan kayong mag-asawa. Tinayuan ni Binoe. Sabi ni Binoe, sorry ho pero kaibigan ko ho sinisiran nyo. Dito kami ngayon sa likod ng stage. FYI lang.”
Ang kalaban at naninira kina Mayor Richard at misis na si Congresswoman Lucy Torres ay ang magkapatid na sina Winnie Codilla (na nasa narco list ni President Digong) at dating Ormoc Mayor na si Beboy Codilla.
In return ay nagpasalamat si Mayor Goma thru text. “Salamat Kuya Ipe! Pakisabi din kay Binoe, thank you.” Mensahe ng Ormoc Mayor sa mga kaibigan.
Kung ako lang ay legal na taga-Ormoc, hindi ako magdadalawang-isip na iboto si Mayor Richard lalo pa’t ang ganda ng mga nagawa niya sa lunsod ko. Mas umasenso at naging progresibo after bagyo at lindol na sumalanta at sumira sa lunsod.
Ang arena ng politika, mas grabe at malala pa sa showbiz lalo na sa panahon ng kampanya. I find it cheap na magre-resort ka sa kasinungalingan at paninira sa kalaban just to get some votes. Ayaw ko ng ganyang istilo at istratehiya.
Reyted K
By RK Villacorta