NAKAKAPAGOD DIN naman na maging isang City Mayor just like Mayor Richard Gomez.
The fact that he tops sa liga niya, stressful nga naman ang ginagawa ng masipag na public servant ng Ormoc City.
Achiever talaga si Goma who is now known as Ormoc City Mayor Richard “Goma” Gomez.
Noong nasa showbiz pa siya, lahat ng bagay na pinapasok niya, lahat ay wagi o panalo siya.
Sa showbiz, hindi siya isang putsi-putsi na artista. Aktor siya. Magaling, sikat at respetado. Dumaan man ang panahon ay mataas pa rin ang tingin sa kanya at estado niya sa showbiz.
Sa larangan ng public service, napatunayan naman niya sa milyon-milyong constituents niya sa lunsod ng Ormoc that he excels sa lahat ng mga ginagawa niya reason na panatag ang loob ng mga Ormocanon na tama at hindi sila nagkamali sa inihalal nilang Punong Bayan.
Sa diskarte ni Mayor Goma, hinahangaan siya ng kapwa niya public official. Ang kanyang isang kaban na bigas sa bawat household ay ginaya ng ibang mga alkalde dahil alam nila na mas systematic ang distribution para mabilis at makarating kaagad sa mga kababayan niya ang ayuda. Wala na takal-takal o kilo-kilo na nakakasabagal ng tulong.
Sa katunayan, nasa-second wave na ang ang Isang Kaban na pa-bigas para sa mga taga-Ormoc na sinimulan niya yesterday kasama ang ibang opisyales ng lungsod.
Magaling si Mayor Goma sa kanyang planning at execution para sa paghahatid ng serbisyo. Kaya nga nakakapanghinayang na ang dating COVID-19 Free na lungsod, ngayon ay napasok na ng virus dahil sa sa minadaling “Balik-Probinsiya” na atat na atat without coordinating with the Ormoc LGU.
Para less stress at wala na magagawa pa kundi dagdag ingat at paghihigpit na lang ang lungsod sa management nila sa pandemya, ipinatayo ng Ormoc LGU ang isang alternative isolation facility para sa COVID-19 na isa sa pinagtuunan ni Mayor Goma ng pansin.
In between his work ang doing his responsibilities sa mga constituents niya, recently ay ni-launch ang online cooking show niya na “Goma at Home”.
Sa mga past episodes, he cooked Carbonara Pasta na sinundan ng Pork Humba na ginagawang reference ng mga ngayon pa lang natututong magluto.
Last Sunday, Father’s Day, Mayor Goma cooked Sinigang na Baka na pinaasim ng hilaw na mangga together with only daughter Juliana.
Kuwento ng blogger na si Jing Javier, sinusundan niya ang Goma at Home at mga recipes at cooking tips nito. Madami nang followers ang online cooking show ni Mayor as an alternative sa stressful work niya as Punong Bayan.
Sa bahay ni Mayor Goma sa Ormoc, may mga alaga siya na mga free range chicken, gansa and ducks. May mga vegetable plots din siya like petchay and tomatoes na ipinakita niya sa kanyang socmed account ang pag-harvest ng mga ito.
Si Mayor Goma, madiskarte talaga at sa lahat ng pagkakataon he really tops.