Osang, itinakwil na ng anak?

1 Rosanna-RocesYESTERDAY’S EDITION of Startalk was like opening a Pandora’s box. At kung sino ang nagbukas ng kahong ‘yon ay si Onyok, Dennis Robert Adriano in real life, bunsong anak ni Rosanna Roces.

No other show could have handled it any better than Lolit Solis who saw Onyok and elder sister Grace grow, dahil mina-manage nito ang kanilang ina during the late 90’s.

Beinte tres anyos na ngayon ang noo’y makulit pero cute na cute na si Onyok. Separated from his wife whom he helped set up their shoe business, nagkaanak siya roon ng isa. Sa ngayon, meron na siyang bagong nobya.

Onyok now works as a call center agent. Mahahalatang artikulado siya, despite his having not finished his college dahil napilitan na raw siyang magtrabaho.  Sa puntong ‘yon inamin ni ‘Nay Lolit na isa sa mga ikinagalit niya noon kay Osang ay ang katwiran nitong hindi na baling huwag na raw mag-aral ang kanyang dalawang anak, marami na naman siyang perang naipon.

Maselan ang nilalaman ng interbyung ‘yon, na ang pagbabalangkas ng iskrip ay nakatoka sa inyong lingkod. But Onyok’s off-camera confessions were even more explosive.

Sa pag-uulat naming ito, we’re putting in a great amount of editorial prudence para protektahan na rin si Onyok at ang kanyang ina.

Onyok surfaced para once and for all, malinis niya kahit paano ang kanyang imahe which his mother herself created of him.

Mga de-kulay na tattoo ang nasa magkabilang braso ni Onyok, kaya agad na kaming pinanangunahan nito: hindi siya isang adik. Ang bagay na ito raw ang ipinamulat ng kanyang ina sa murang kaisipan ng kanyang pamangking si Gab o Budoy, anak ng kanyang Ate Grace kay Jolo Revilla.

Inamin ni Onyok na totoong nagkasira na ang kanilang mother-son relationship dahil na rin daw sa hindi-niya-maintindihang ugali ng nanay niya. Isinahalimbawa niya ang umano’y ginawang paninira ni Osang sa kanya sa pinagtatrabahuhan nito.

“Imagine, kapag nawalan ako ng trabaho, paano ako mabubuhay? Ako’ng nagbabayad ng inuupahan ko, sagot ko ang bills, eh, paano na kung jobless ako?” himutok ni Onyok.

Sa pag-aanalisa ni Onyok, pera raw ang naging mitsa ng tila nabuwag nang relasyon nilang mag-ina.

“Ugali kasi niya na kami ni Grace, bibigyan niya ng pera, mga 10,000. Mga 15,000. Tapos, kinabukasan, hihingin niya uli. Eh, nu’ng binabawi na niya ‘yung perang ibinigay niya sa akin, sabi ko, wala na, ipinambili ko ng cellphone. Ang hindi niya alam, ibinangko ko na para hindi na niya makuha,” kuwento niya.

Pero paano maipaliliwanag ni Onyok ang marami-rami ring naipong pera at ari-ariang naipundar ng kanyang ina noong kasikatan nito?

Inisa-isa ni Onyok ang mga property na ‘yon sa iba’t ibang lugar, kabilang ang isang farm. “Lahat ‘yon, wala na!”

‘Nay Lolit asked: “Huwag naman sanang ipahintulot, Onyok, pero kung sakaling may mangyari sa nanay mo, at kakailanganin niya ng tulong n’yong magkapatid, willing ka bang kupkupin siya?”

“Kay Grace na lang siya. Basta ako, suko na sa kanya. ‘Eto, pagkatapos ng interview n’yong ito sa akin, lilipat ako ng ibang apartment. Ayoko na rin kasing malaman niya kung saan ako nakatira, eh,” sagot niya.

Before the interview drew to its close ay hiningan ni ‘Nay Lolit si Onyok ng mensahe para sa kanyang ina. We had to cut Onyok dahil third person ang ginamit niya, bukod sa ina-address niya ‘yon kay ‘Nay Lolit.

We requested him to face the camera and use second person (you) patungkol kay Osang. Pero bago ‘yon, nagpasintabi na si Onyok, “Hindi ko na sasabihing, ‘Mom, magbago ka na,’ ha? Basta wala nang ‘mom’.”

Bilang patunay ng kanyang nararamdaman, sa halip na pangalan daw ng kanyang ina ang nakasulat sa passport ni Onyok para tawagan in case of emergency ay pangalan ni ‘Nay Lolit ang naroon.

For a child to feel that way towards his mother, ano kaya ang matinding karanasan ni Onyok para halos ay itakwil na niya ang babaeng nagluwal sa kanya?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleTeejay Marquez, may gay benefactor?
Next articleVenus Raj, type ang ‘ordinary guy’

No posts to display