MASAYANG ibinahagi ni Maris Racal sa aming virtual inteview kung ano ang nararamdaman niya ngayong lantad na ang relasyon nila ng singer-songwriter na si Rico Blanco na pansamantala din niyang itinago.
Ani Maris, “Para sa akin magaan na sa pakiramdam kasi may mga times before na I try to avoid saying too much, or talking about him too much. Kasi alam mo yon, baka mahuli ako, so parang ganun. Now, parang magaan sa feeling.”
Hindi rin ini-expect ni Maris na tatanggapin ng publiko ang relasyon nila ni Rico lalo pa nga’t malaki ang kanilang age gap. Maris is 23 years old at si Rico naman ay 48. Bale 25 years ang kanilang age gap.
“I think, yung reaksyon ng tao and yung support nila for us is very overwhelming and I really did not expect. Kasi akala ko maraming magagalit pero baligtad yung nangyari,” masaya niyang pahayag.
Sa Davao lumaki si Maris at bilang probinsyana ay medyo conservative ang kanyang pamilya. Tanong ng namin kay Maris, tinanggap ba agad ng nanay niya ang relasyon nila ni Rico? Ano ang naging reaksyon niya?
Tugon niya, “Una talaga siya (mommy) sa sinabihan ko. Siya ang una sa listahan kasi medyo hindi stereo typical yung relationship namin ni Rico. Surprisingly naintindihan niya.”
“Wala naman na siyang ibang sinabi, as in inintindi niya na lang. Parang wala lang, hindi siya naging big deal sa conversation sa family,” dagdag pa ni Maris.
Nasasaktan ba siya kapag ginagawang isyu ng ibang tao at netizens ang age gap nila ng boyfiend?
“I don’t know, opinion nila yon, eh. Maybe in their world isyu yung age gap sa relationship but we’re okey naman sa kahit anong comments, hindi kami naba-bother,” direktang sagot ng singer-actress.
Patuloy niya, “Oo, siyempre, mas marami na siyang na-experience sa life, but I can’t say na siya talaga yung guide ko kasi minsan ako rin. Ha-ha-ha! Para lang talaga siyang normal relationship na gina-guide n’yo ang isa’t isa.
“But of course with his experience sa career, sa music, he can really help me to decide kung ano yung maganda for my mental health, my personal life or career, ganun po.”
Samantala, ibinahagi rin ni Maris ang kung ano ang naging inspirasyon niya sa latest single na Ate Sandali na prinodyus ni Rico Blanco para sa Balcony Entertainment na siya rin ang CEO.
“Yung Ate Sandali, yon mismong song matagal ko na siyang nasulat, as in super tagal na. Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin, parang nasa notebook lang siya. And then, kasi at that time, parang hindi ko siya type at all. Kasi yung gusto ko is yung classic songs, piano-driven, acoustic, so hindi ko siya type.
“But then last year, nung nag-pandemic na, one of the few things talaga that save me was K-Pop and then along with that are Lady Gaga, Ariana Grande, so parang whenever I watch their music videos parang nadadala ako sa ibang mundo kasi parang yung past life natin before pandemic ang saya-saya.