PUWEDE PO BANG mahingi ang detalye ng tinatawag na OWWA Reintegration Program at kung papaanong ang isang OFW na katulad ko ay makiki-nabang dito?—Patrick ng Binangonan, Rizal
ANG PROGRAMANG ITO, na popondohan ng P2 bilyon, ay palatuntunan ng OWWA para sa mga OFW at pa-milya nila na nagnanais magtayo ng maliliit na ne-gosyo o livelihood. Ito ay maaaring gamiting puhunan para makabili ng mga kagamitan para sa negosyo at para sa construction, renovation at repair ng mga gusali na gagamitin sa negosyo.
Maaaring mangutang dito ang mga OFW o dating OFW na may employment contract o dating may mga employment contract. Maaari ring mangutang ang asawa o magulang ng OFW.
Ang mauutang ay mula P200,000 hanggang P2 milyon. Ang loan ay papatawan ng interest na 7.5% bawat taon at maaaring bayaran mula isa hanggang pitong taon.
Para maging kuwalipikado, ang aplikante at dapat sertipikadong OFW ay walang utang na di-nababayaran at nakatapos ng Entrepreneurial Development Training na idaraos ng OWWA regional offices.
Nitong nakaraang 1st National Congress ng mga OFW noong Hunyo 7, 2011, nabigyan ng pautang ang unang 12 OFW mula Pasay, Bulacan, Pampanga, Zambales, Batangas, Cebu, Iloilo, Davao at Bukidnon.
Pinasukan nila ang mga negosyo tulad ng babu-yan, pangangalakal sa palay, gym, dental laboratory, LPG trading at iba pa.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo