Oyo Boy Sotto, handang maghintay sa true love na si Kristine Hermosa! – Eddie Littlefield

NANG MAKAUSAP NAMIN si Oyo Boy Sotto, naramdaman namin kung gaano niya pinahahalagaan ang friendship na mayroon sila ngayon ni Kristine Hermosa. Malinis ang intensiyon at handang maghintay ang binata sa babaeng gusto niyang iharap sa dambana. Kaya naman, ganoon na lang ang respetong ibinibigay sa kanya ni Kristine kahit sinasabing sila na nga, matagal na.

Kamusta naman ‘yung relasyong mayroon kayo ni Kristine? “Okey naman po, magkaibigan, hindi namin binibilang kung ilan taon na kaming magkaibigan. Wala namang problema, masaya naman kami at saka nagkakaintindihan,” simpleng sagot ni Oyo.

Paano nga pala ‘yung set-up ng friendship ninyong dalawa? “Wala! Hindi naman namin pinag-uusapan ‘yung set-up, we’re just going with the flow kung ano man ‘yung mapagkasunduan namin, kung anuman ‘yung mangyari.”

Mga bagay na madalas ninyong napagkakasunduan ni Kristine at mga bagay na hindi ninyo napagkakasunduan?

“Marami naman, kasi  kami, we’re very close. Kumbaga, best friend kami sa isa’t isa, ayaw naming madaliin ang mga bagay-bagay. Nagkakasundo kami sa maraming bagay, wala naman kaming hindi napagkakasunduan,” say ng binata.

Si Kristine na nga ba ang itinakda para sa ‘yo? “Oo naman, pero hindi pa rin natin masasabi. Naniniwala naman ako na ang isang magandang relasyon nag-uumpisa sa friendship. Kapag maganda ang pundasyon ninyo bilang magkaibigan, lahat naman ng mag-asawa, nagsisimula magkaibigan, lahat naman ng relasyon, ‘di po ba ?” Dugtong pa niya.

Paniwala ni Oyo Boy, mas tumatagal ang relationship kapag friends muna bago naging lovers.“Oo naman, wala naman kasing dumadaan na lover muna agad-agad. Siyempre, kailangan munang makilala ninyo ang isa’t isa at magkaroon g foundation ang friendship na mayroon kayo.”

Inamin ni Oyo na true love niya si Kristine, handang maghintay sa tunay na minamahal. Kapag itinakda, mangyayari kung talagang sila para sa isa’t isa. “Oo naman, alam na niya ‘yun, ayaw kong magsalita ng ganyan, sa amin na lang ‘yung kung anuman ‘yung nangyayari sa aming dalawa, private na ‘yun,” say pa niya.

Hindi maiiwasan sa magkaibigan nagkakaroon ng tampuhan, sa kaso kaya nina Oyo Boy at Kristine may conflict din kaya? “Lahat naman ng magkaibigang nag-uusap kapag may problema, hindi naman puwedeng palagpasin. Siyempre, kapag may problema kayo na hindi ninyo pagkakaintindihan kailangan namang kausapin ‘yung tao, relasyon man ‘yun o hindi, normal naman po ‘yung mag-usap kayo. At saka, kailangan may communication kayo sa isa’t isa.”

Almost perfect ka raw para kay Kristine, comment? “Kasi ako, naniniwalang walang perpektong tao, may kanya-kanyang pagkakamali rin naman ang bawat tao.”

Hindi man aminin nina Oyo at Kristine ang tunay nilang saloobin sa isa’t isa hindi maipagkakailang may mutual understanding na ang dalawa. “Ayaw din naming madaliin ang mga bagay-bagay. Mahirap na kapag minadali mo, nagplano ka ng sarili mo lang nang hindi ka humihingi ng tulong sa Itaas, walang mangyayari, babali-baliktad lang, masisira, ‘di ba?” Turan niya.

Hanggang kailan makapaghihintay ang isang Oyo Boy Sotto? “Wala naman, hindi naman dapat binibilang ‘yun kasi, it’s worth waiting naman, ‘di ba? Siyempre, kung mangyari man na mapagkasunduan ninyo isang araw na magpakasal, we’re worth waiting naman. Kung mahal mo naman ‘yung tao bakit hindi mo hihintayin. Ang masasabi ko, totoo siyang tao, walang nakaharang… what you see is what you get! Marami pa akong gustong mangyari sa buhay ko, mag-travel around the world, magkaroon ng pamilya,” pahayag niya.

Ang pananaw ni Oyo Boy tungkol sa kasal kung sakaling sila ni Kristine ang magkatuluyan. “Sa akin, ang kasal ay pinaghahandaan, emotionally stable, financially stable pero at the sametime puwedeng isa lang ‘yung naghahanda. Mas naniniwala ako, kayong dalawa dapat as one.” Aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleBabaeng ‘nabuntis’ ni Mark Herras, pinanindigan ang isyu! – Tita Swarding
Next articleHulicam: Ang Tambolistang Jowa ni Jolina!

No posts to display