Oyo Sotto at Kristine Hermosa, teamwork sa pag-aalaga sa mga anak

LARAWAN NG isang masayang pamilya sina Kristine Hermosa, Oyo Sotto at ang kanilang mga anak na sina Kiel at Ondrea Bliss nang magkaroon sila kamakailan ng pictorial para sa June issue ng Working Mom Magazine ng ABS-CBN Publishing.

The Buzz was given the chance to interview Tintin and Oyo after the pictorial. Inamin ng dalawa na nahirapan sila noong una na mag-adjust nang ipanganak si Ondrea Bliss who is now four months old. “Iyong first few months ko, iyon ang adjustments. Tapos puyat. Believe it or not, I don’t get anymore eight hours of sleep,” sabi ni Tintin.

Maganda ang teamwork nina Tintin at Oyo pagdating sa pag-aalaga ng kanilang mga anak kaya maayos nilang nagagampanan ang kanilang mga responsibilidad bilang mga magulang.

Oyo praises his wife for being a hands-on mom. “I give all the credit to Tin pagda-ting sa motherhood. For some reason, hindi talaga ako nagigising sa iyak ni Ondrea kapag umiiyak siya kaya minsan nagugulat na lang ako ‘pag gising ko sa umaga, fresh na fresh ako [tapos] pagkita ko kay Tin, laki na ng eye bags. Noong nabuntis siya, talagang ayaw niyang magpaalaga sa akin.”

Kuwento naman ni Tintin, “Kapag nakikita niya akong hindi pa ako kumakain kasi ako iyong na kay Ondrea [sasabihin niya], ‘Sige, hon, patapos na ako. Tapos ikaw naman.’ Magpapalitan kami. Talagang teamwork. Tapos tina-try naman niya iyong best niya. [Tatanungin niya ako], ‘How can I help you para makatulog ka?’”

Although they are busy taking care of their kids, Tintin and Oyo still find time for each other. Kapag may pagkakataon daw na maiiwanan nila ang mga bata sa bahay ay talagang sinusulit nila ang kanilang araw para makapag-bonding sila nang husto.

Pero sa kabila ng puyat ay ibang klaseng saya ang hatid sa kanilang pamilya ni Ondrea. “Kapag pinapaliguan ko siya, binibihisan ko, ang sarap niyang bihisan, even si Kiel. Kapag nagpi-feed ako. I love the feeling na kunwari iiyak siya, tapos ayaw. Ang sama ko eh, gusto ko iyong feeling na hindi siya napapatahan ng iba kasi ‘di ba, ang sarap ng feeling kapag needed ka? Ikaw iyong gusto tapos biglang tatawa siya. Mag-smile siya kapag nasa iyo na siya,” kuwento ni Tintin.

Pero nang tanungin ang mag-asawa kung payag ba silang pumasok din sa showbiz ang kanilang mga anak ay sinabi ni Tintin na puwede siguro kung mga endorsements pero huwag muna ang pag-aartista. Gusto nilang mag-aral muna ang mga bata.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleGrace Lee, parang chocolate ang tingin kay P-Noy!
Next articleShalani Soledad, Linggo lang pahinga sa kama!

No posts to display